bc

The Governor's Young Wife

book_age18+
13.9K
FOLLOW
156.7K
READ
billionaire
contract marriage
HE
age gap
opposites attract
powerful
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

She was 18. He was 28.

Amanda Cruz was forced into an arranged marriage with Governor Kian Herrera the most powerful man in San Nicolas.

She’s a party girl. A spoiled brat. Addicted to trouble.

He’s a disciplined politician. And he hates her.

Now they’re married.

Living under one roof. Sleeping in one bed.

He said he’d never fall for her.

So why is he the one carrying her home every time she’s drunk?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sinong susundo sa'yo?" Mahina ang boses ni Molly. Nanginginig. Nakaupo silang dalawa sa plastik na upuan sa loob ng presinto. Magkadikit ang tuhod. Malamig at madulas sa pawis ang upuan. Ang sahig, may mantsa ng suka at putik. Amoy kulungan ang hangin. Halo ang pawis ng lalaki, lumang sigarilyo, at pancit canton. Nadamay na naman sila sa riot. Hindi naman sila kasali. Nasa party lang sila nang biglang maghagisan ng bote. Pagdating ng mga pulis, lahat ng kabataan sa loob, dinala. Kasama siya at si Molly na naka-crop top at palda, may glitters pa sa pisngi na ngayon ay humahalo na sa pawis. "Hindi ko alam," sagot niya. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok. May pink pa rin na confetti na nakasabit. "Baka i-ground na ako ni Daddy nito," sabi ni Molly habang kinakagat ang kuko. "Third time na 'to this year." "Ako rin," bulong niya. Yumuko siya. 1:17 AM na sa orasan sa pader. Sabi niya sa Mommy niya, group study lang uuwi siya nang maaga. Pero madaling araw na nasa labas pa siya. Worst nasa presinto siya. Siguradong galit na ang Daddy niya. Baka kunin ang susi ng kotse. Baka hindi na siya palabasin. Ramdam niya ang mga tingin ng mga pulis. Maiksi ang suot nila. Ang dress niya na kulay pink manipis lang. Halos lahat ng nasa presinto ay lalaki. Dumidikit ang mga mata nila sa balat niya. Sa hita ni Molly. Naunang dumating ang Daddy ni Molly. Hinablot lang si Molly sa braso at halos kaladkarin palabas. Ni hindi man siya nito sinulyapan ni minsan. Si Molly hindi na nagawang makapagpaalam. Siya na lang ang mag-isa. 1:18 AM. Sampung minuto lang ang layo ng subdivision nila. Bakit wala pa ang Daddy niya? May umupo sa tabi niya. Isang pulis. Matanda. Lukot ang uniporme. Amoy sigarilyo at lumang alak ang hininga. "Miss, taga-saan ka?" Ngumiti ito. Naninilaw ang ngipin. Dumikit ang tuhod nito sa tuhod niya. Hindi siya sumagot. Tumayo siya at lumipat sa tabi ng basurahan. Amoy panis na mangga at suka doon, pero mas malayo sa hininga ng matanda. May ingay mula sa entrance. Nagsitayuan ang mga pulis at sumaludo nang sabay-sabay. Sumilip siya. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang tingin nila ng lalaking bagong dating. Bakit sa kanya nakatutok ang mga mata nito? Bakit ito naglalakad palapit sa kanya. Si Governor Kian Herrera. Ang Governor ng bayan nila. Matalik na kaibigan ng Daddy niya ang pamilya nito. Magkakilala sila, pero hindi close. Mas matanda ito sa kanya. Eighteen pa lang siya. Huminto si Governor Kian sa mismong tapat niya. Napatingala siya rito. "Amanda," tawag ni Governor. Napatuwid siya ng upo. Nagtatakang nakatingin sa mga mata nito. Anong ginagawa ng Gobernador sa presinto at bakit ito nakatingin sa kanya? "Governor," bulong niya. "Let's go, Amanda. Pinasusundo ka ng Daddy mo," sabi nito. Seryoso ang mukha. "Ah?" Napanganga siya. "Bakit?" tanong niya. Bakit siya ipasusundo ng Daddy niya kay Governor Kian? Ganoon na ba ka-busy ang Daddy niya para ang Gobernador pa mismo ang magsundo sa kanya sa kulungan. "Where is my Dad?" tanong niya. Kulay kape ang mga mata ni Governor Kian nang tumingin ito sa kanya. Malalim. "Wala ang Daddy mo," sagot nito. "Nakiusap siya sa akin na sunduin ka rito." Walang ngiti. Walang ekspresyon. Hindi niya mabasa kung naiinis ito o hindi. Pero ramdam niya, hindi siya nito kinaiinisan. "Nasaan siya?" tanong niya ulit. Hindi agad ito kumibo. Isang mabilis na sulyap lang ang ginawa nito sa suot niya. Humugot ito ng malalim na hininga. Tiningnan ang paligid. Mga pulis na nakatitig pa rin sa kanya. Hinubad nito ang itim na jacket. "Wear this," sabi nito. Inilapag nito ang jacket sa balikat niya. Inayos ang harapan. "We need to go," dagdag nito. Tahimik siyang sumunod dito palabas ng presinto. Maraming pulis ang sumaludo. Nakipagkamay pa ito sa hepe. Maikli lang ang usapan. Diretso. Walang paligoy-ligoy. Ganoon pala ang dating ng isang Governor. Hindi kailangang sumigaw para pakinggan. Pagdating sa parking lot, tumigil siya. Nakatayo sa tapat nila ang isang itim na Porsche Cayenne. Walang plaka sa harap. Governor's car. Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger side. Ang ikinagulat niya, mag-isa lang ito. Walang driver. Walang bodyguard. Madaling araw na. "Mag-isa ka lang?" hindi niya naiwasang itanong. "Yes," simpleng sagot nito. "Sumakay ka na," sabi nito. Mahina pero may diin. Pagkasakay niya, ito na rin ang nagsara ng pinto. Umikot ito sa driver's seat. Bumati pa ito sa pulis na naghatid sa kanila bago isinara ang pinto at pinaandar ang sasakyan. Hindi niya napigilang sulyapan ito. Gwapo, malakas ang dating. Ramdam ang kapangyarihan ng isang Gobernador. Sa ganitong lapit, mas ramdam niya ang presensya ni Governor Kian. Nandoon ang authority. Yung tipong isang salita lang, susunod lahat. "Amanda," tawag nito. Napapitlag siya. "Tinatanong mo kanina kung nasaan ang Daddy mo," sabi ni Governor Kian. Mahigpit ang hawak sa manibela. Nakatuon ang mga mata sa kalsada. "Pinakiusapan lang ako ng Daddy mo na sunduin ka sa presinto." Yumuko siya. Nahiya. Nakakahiya talagang magpasundo sa presinto. Para siyang kriminal. "Bakit ikaw? Nasaan ba si Daddy?" tanong niya. "Sumama ang pakiramdam ng Mommy mo. Sinugod siya sa ospital," sagot nito. Nanlamig ang mga kamay niya. Hindi niya marinig ang sarili niyang paghinga. Parang biglang naubos ang hangin sa loob ng kotse sa narinig. "Ano?!" bulalas niya. Agad nilamon siya ng guilt. Wala na kasi siyang binigay sa mga magulang niya kundi sama ng loob at sakit ng ulo. Nag-iisang anak lang siya, at napaka-rebelde pa niya. Napayuko siya at napakagat sa ibabang labi. "Doon na kita ihahatid, Amanda," sagot nito. Mahinahon. Nakarating sila sa Herrera Hospital. Private hospital na pagmamay-ari din ng pamilya ni Governor Kian. Nauna siyang bumaba. Hindi na hinintay pa na pagbuksan siya ng Gobernador. Papasok na sana siya sa malaking ospital nang maalala niyang hindi niya alam ang room number ng Mommy niya. Hinintay niya si Governor at sabay silang pumasok sa loob. Sa lobby ng ospital umagaw sila ng atensyon ni Governor, o baka si Governor lang ang nakaagaw ng pansin sa mga naroon, ang lakas kasi ng dating nito. Napatingin ang mga nurse at guard sa kanila. Hindi dahil sa kanya. Kay Governor Kian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
12.6K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.8K
bc

In Bed With Kuya Red

read
47.2K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.9K
bc

DESIRING THE BADBOY (SSPG/ Dark Romance)

read
156.7K
bc

Kuya Andrew

read
74.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook