KABANATA 1

1761 Words
Andrei Villa Cruz, hindi pamilyar ang pangalan niya sa pandinig ko. Gusto kong manghina dahil mukhang magpapakasal talaga ako sa isang tao na hindi ko kilala. "Potahamnida! Seryoso ka Cass hindi mo kilala ang mala dyos na si Andrei Villa Cruz?!" gulat na sabi ng kaibigan kong si Ayesha. Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil sa pagtataka bago ininom ang alak na nasa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa bar ngayon para lumaklak ng lumaklak. "Waeyo kilala mo?" tanong ko 'tsaka muling nagsalin ng JD sa baso ko. "Ghorl baka nga ikaw lang ang hindi nakakakilala sa kanya. FYI siya lang naman ang head ng Villa Cruz Construction Company. You really got a big fish," eksahiradang wika niya. "Baka siya ang nakakuha ng malaking isda. Bitch I am Cassandra Monasterio, daughter of Deyniel Monasterio, the heir of Monasterio Worldwide," puno ng yabang kong sabi. MW is the biggest hotel chain here in the Philippines, may 66 branches din kami sa iba pang mga bansa. "Yeah,yeah, whatever. For now mag-inom nalang tayo ng mag-inom bago ka mamroblema sa pogi mong asawa. Hmmm, mukhang sa kama ka lang naman magkakaproblema sa kanya. HAHAHA!" Agad ko siyang binatukan sa inis. "Aray! Haha! Pikon to. Ganito kasi yan bitch, single ka naman diba? Wala ka namang nagugustuhan kaya walang problema kahit magpakasal ka. Pwede mo namang pag-aralan nalang na magustuhan siya. Bonus nalang talaga ang sex. HAHAHA!" I glared at her. "Ayesha. Stop it, nakakadiri." Hindi makapaniwalang tinuro niya ako ng kamay niya. "Ha! Believe me Cass, sa itsurang yun panigurado magaling yun sa kama. I bet napakalaki ang alaga niya," then she giggled. Napailing nalang ako sa kamanyakan ng kaibigan ko. Muli akong napaisip kung bakit at paano kami nagkasundo, sa paglustay ng pera lang naman kami pareho pero sa ugali? Urgh! Nevermind. Sinalinan niya ko ng alak na agad ko ring ininom. Pasado alas dos na ng madaling araw, marami narin kaming nainom na mga hard drinks. Alam ko sa sarili ko na lasing na lasing na ako pati ng kasama ko. "Ayesha napaka obobs mo talaga. Bakit hindi ka nagdala ng driver?" wika ko habang nakasandal sa sofa dahil sa sobrang liyo. "*Hik!* obobs ka rin hindi mo rin naman shinabe *Hik!* na kailangan kong sssshhh magdala ng driver," sagot niya sakin habang nakasubsob sa lamesa. Parehong sabog na ang buhok namin dahil sa kakasayaw kanina sa dancefloor. Natawa nalang ako sa mga itsura namin ngayon. "Great, paano tayo ngayon?" lasing man ay nakakaya kong magsalita ng ayos. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kaibigan ko. "Ya bitshch, feeling ko nasa yate *Hik!* tayo. HAHAHA! Lakas ng alon." "Fvckyou Ayesha" I cursed as I laughed at her joke. "Oh don't fvck me Cass. Fvck your husband." "Arggh! You're a hopeless case bitch." I said saka pinilit tumayo. Hindi pa man ako nakakatayo ng diretyo pakiramdam ko babagsak na agad ako sa liyo. Oh fvck you Ayesha patay ka sakin bukas, este mamaya. Pinilit kong maglakad papunta sa bar counter kahit pagewang gewang ako. Tangna talagang pahirap ito. Nakakawala ng poise. "Excuse me," tawag ko sa bartender. "Yes maam, ano pong order niyo?" magalang niyang tugon. Ngumiti muna ako sa kanya bago umiling. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong mini skirt bago iyon inilagay sa top counter. "As you can see, wasted kami ng kasama ko. Pwede mo bang tawagan yung nakaphonebook na daddy sa contacts ko?" paliwanag ko. Tumango naman ang staff at ginawa ang inuusap ko. Ibinigay niya sa akin ang telepono nang nagsimula itong magring. "Hello?" boses iyon ni daddy na halatang nagising dahil sa tawag ko. Nakagat ko ang aking labi dahil sa guilt. "I'm sorry to wake you up dad pero pwede niyo po ba akong ipasundo sa driver niyo? I'm really drunk, hindi ko na kayang magdrive o kahit ang lumakad man lang." Rinig ko ang pinakawalang buntong hininga ni Dad sa kabilang linya. "Okay sweetie. I'll contact someone to pick you up. Nandyan ka ba sa bar na palagi mong pinupuntahan?" "Yes dad. Thankyou, I'm with Ayesha by the way. And she's...." pabitin kong sabi. My dad giggled. "Drunk as well." "Sige na. I'll end this call." he said and ended the call. Sumulyap ako sa bartender at ngumiti. "Thankyou" Ngiti lang din ang itinugon niya saka bumalik sa trabahong ginagawa. Napaub-ob nalang ako sa barcounter sa kalasingan. "Damn it, hindi ko na kayang maglalakad pabalik sa pwesto namin ni Ayesha." bulong ko and everything went black. NAGISING ako dahil sa ingay ng tunog ng telepono ko. "Arggh! Aga-aga mambulabog." I mumbled habang nakapikit na kinakapa kung nasan ba ang punyetang cellphone ko. I just slide my phone without opening my eyes bago ito itinapat sa tenga ko. "Who are you para guluhin ang payapa kong tulog?" bungad ko. "I'm just your fvcking bestfriend bitch. And I'm calling right now to ask you something." "Argh! Ayesha can't that wait? I'm still sleeping." "Damn you Cassandra kung tama ang pagkakaalala ko your soon to be husband—" I quickly ended the call before she could say something disgusting. "Oh yeah,yeah. Gwapo, masarap, magaling. Back off, Ayesha." I mumbled, tatagilid sana ako sa kabilang panig ng kama nang may napansin ako. Natigilan ako saglit sa pagtataka dahil tumigas ata ang unan ko ngayon kumpara sa lagi kong gamit. Gustuhin ko mang imulat ang mata ko ay kinakain talaga ako ng antok kaya ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang balahibo ko ng may mainit sa dumagan sa tyan ko. Mabilis kong idinilat ang mata ko at tiningnan iyon. It's a hand. Agad akong napaupo at tiningnan kung kanino iyon. What the hell?! Gusto kong sumigaw pero mas kinain ako ng gulat. Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kwarto ko? Nagdala ba ako ng lalaki kanina? Napahilamos ako ng mukha at tinitigan ang lalaking natutulog sa kama ko, sa tabi ko to be specific. Gwapo siya, matangos ang ilong, hindi kaputian pero hindi rin naman kaitiman. Malantik ang kanyang mga pilikmata, tama lang ang laki ng labi niya. And he's damn topless for heavens sake. "Don't tell me may nangyari sa amin?" bulong ko sa sarili ko. Mabilis kong sinuri ang sarili, pinakiramdaman ko ang alaga ko pero wala akong nararamdaman na kahit ano tulad ng mga kwento ng kaibigan ko. Ganun nalang ang gulat ko nang pagbaling ko sa lalaki ay gising na ito. Seryoso siyang nakatingin sa akin na para bang pinag-aaralan lahat ng ikinikilos ko. "D-did I brought you here?" utal kong tanong saka pasimpleng umusod palayo. Kinuha niya ang kanyang damit sa side table bago ito isinuot habang nanatili ang kanyang tingin sa akin bago siya tumayo sa gilid ng kama. Nalaglag ang panga ko sa gulat at mabilis na napapikit. Potangna nakaboxer lang sya. Nalunok ko ang sariling laway dahil sa natanawan ko ng sandaling iyon. Hapit ang kanyang boxer kaya naman bakat na bakat ang napakalaki niyang alaga. Yes. NAPAKALAKI. Hindi pa iyon buhay ng oras na iyon paano pa kapag buhay na. Damn it Cassandra! Napakahalay mo. "A-are you done?" nauutal ko paring sabi. "Yes" pakiramdam ko ay nagtindigan ang balahibo ko pagkatapos kong mapakinggan ang boses niya. Hindi lang siya ang gwapo, pati rin ang boses niya gwapo. Ano bang nangyayari sa akin tangna. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko bago siya tiningnan. Naka vneck na white tshirt siya at faded maong short. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa paghanga sa lalaking nasa harapan ko. "And yes, dinala mo ako dito sa kwarto mo." walang kalatoy latoy niyang sabi, nag-init ang buo kong mukha sa kahihiyan. "My gosh! I-I'm so sorry. I was drunk and I don't know what the hell I'm doing that time." paliwanag ko. Tumango-tango lang naman siya bago tiningnan ang relo niya. "I'm going, may trabaho pa ako." pormal na paalam niya. Gustuhin ko mang magpakwento sa kanya ng mga kabubulastugan kong ginawa nahihiya naman akong makaabala lalo na at mukhang seryoso siya sa pagtratrabaho niya. Napapikit ako sandali dahil dun lang nagsink in ang lahat sa akin. Umaga na at paniguradong gising na sina mommy. Malalagot ako sandaling lumabas siya ng kwarto at makita sa baba. "Ahmmm. Sorry to say this, pero pwede bang patago kitang ilabas ng bahay? I'm dead if my father see you walked out in my room." His side lips rose for a second. "No need, they already knew that we slept together." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Alam nila?!" hindi ko na napigilang sumigaw. Tanging tango lang naman ang isinagot niya sa akin saka naglakad palayo. Binuksan niya ang kwarto ko at lumabas. Pumayag sina daddy kahit ikakasal na ako sa iba?! Dali-dali akong sumunod sa kanya. Naglalakad na siya pababa ng hagdan nang naabutan ko. "Oh gising kana iho" nakangiting salubong ni Mommy. "Pasensya na po kailangan ko na pong umalis para sa trabaho." magalang niyang wika. "Magpaalam ka muna kay Deyniel iho. Nandun siya sa kusina, tamang tama kumain kana muna bago umalis." si Mommy saka hinawakan ang braso nung lalaki para alalayan papuntang kusina. Laglag panga ko silang pinanuod sa kinatatayuan ko. Paano nangyayari ang lahat ng ito? Sumunod ako sa kanila sa kusina, nadatnan ko silang lahat na nakaupo at ako nalang ang iniintay. "Umupo kana anak nang makakain kana rin" nakangiting sabi ni Daddy sakin. Dahil sa pagiging lutang at walang kaalam alam sa lahat ng nagyayari pinili ko nalang makiagos sa mga nangyayari. Nagsimula kaming kumain. Panay ang lipat ng paningin ko sa pagkain, sa lalaki at sa mga magulang ko. "So kamusta ang kumpanya mo iho?" panimulang usapan ni daddy. "Maayos naman po Sir. Patuloy parin ang mga proposal na dumadating at natatapos." Natawa naman saglit ang aking ama bago pinunasan ang labi niya. "Just call me Tito o pwede din namang Daddy nalang." Napaubo ako sa gulat at pagtataka. "Okay ka lang anak?" tanong ni Mommy sa tabi ko. "W-what the hell is happening?" hindi ko na nakayanan at nagtanong. Nagkatinginan naman silang lahat bago napatawa ng mahina si Daddy. "Mukhang lasing na lasing ka nga anak kagabi at wala kang maalala." sabi ni Daddy. Hindi naman ako umimik dahil wala parin akong naiintindihan sa mga sinasabi nila. "Why don't you introduce yourself again to my daughter young man?" nakangiting sabi ni Daddy sa lalaki. Ngumiti naman pabalik ang lalaki. Pinunasan niya ang kanyang bibig saka pormal na tumayo. "Andrei Villa Cruz, your fiance Ms. Monasterio." bago inilahad ang kamay niya sa harap ko. What... the... hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD