"M-Mag-asawa kayo?" halos hindi makapaniwalang bulalas ni Red habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa amin ni Sir Thompson. Parang hindi maproseso ng maigi ng kanyang utak ang kanyang narinig habang awang ang kanyang mga labi sa matinding gulat. Hinang-hina na napahakbang siya patalikod habang malamlam na nakatingin sa akin. "Yes, we're married." Si Clark ang sumagot para sa akin. Itinaas niya ang kamay ko at ipinakita sa kanya ang mga daliri naming may suot na singsing. "There's no need for you to get close with my wife! Tigilan mo na ang panliligaw sa kanya dahil asawa ko siya." Humigpit ang kapit ko sa katawan ni Sir Thompson nang humalakhak si Red na parang baliw. Takang napatingin kami sa kanyang ng asawa ko habang nasa isip namin kung ano ang nakakatawa. Nang humup