Mabilis ang lakad ko habang tinatahak ko ang daan patungong parking lot. It's six o'clock in the evening at sobrang late na ako sa usapan naming dinner nina Papa at Mama. Birthday ni Papa ngayon at kasama kami ng kapatid ko para i-celebrate ito sa isang restaurant na lagi naming pinupuntahan. Sila lang sana ni Mama ang lalabas ngunit gusto naman ni Papa na sumama kami ng kapatid ko dahil gusto niyang i-celebrate ang kanyang kaarawan na buo ang aming pamilya. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at mabilis na nag-type ng mensahe para sabihin kay Papa na medyo mahuhuli ako ng konti ng dating. Nagkaroon pa kasi ng meeting sa department namin, tapos nagbotohan pa kami ng mga officers kaya talagang naatraso na ang pag-alis ko ng Stallion University. Nang matapos akong makapag-send ng men