Naging maingat kami ni Kara sa aming relasyon simula nang malaman ko ang balitang may nakakita sa amin sa beach resort na pinupuntahan namin. Issue pala sa kanila ang magkaroon ako ng batam-bata na nobya. Sabagay, kahit doon sa school na dating tinuturuan ko ay nakabantay na sa nangyayari sa buhay ko ang mga estudyante na nagkakagusto sa akin. Hindi na bago sa akin ang ganito lalo na kung ang gumagawa ng issue ay iyong mga estudyante na may gusto rin sa akin. Ito ang iiwasan ko sa relasyon namin ni Kara. Si Kara ang mas maaapektuhan kapag may nakaalam na siya ang babaeng aking karelasyon. Siya ang pupuntiryahin kapag nalaman nila na nakipagrelasyon siya sa akin. Malalagay sa alanganin ang pangalan niya pati na ang pangalan ng kanyang ama. "Percy, anong gagawin natin kapag may nakakaal