"Ingat ka sa biyahe, Clark. Ingat ka sa pagmamaneho, mami-miss kita," paalala ko kay Sir Thompson nang umagang 'yon. "Of course, asawa ko. Ikaw din mag-ingat ka rin sa pagpasok sa school mamaya. Sa makalawa pa ang uwi ko kaya dapat na mag-ingat ka rin," paalala rin niya sa akin. Hinalikan niya ako sa aking pisngi habang yakap niya ako ng mahigpit sa aking baywang. "Mami-miss din kita, asawa ko. 'Di bale, mabilis lang ang dalawang araw." Pinisil ni Sir Thompson ang pisngi ko at pagkatapos ay hinalikan ang tungki ng ilong ko. Oo nga, mabilis lang ang dalawang araw ngunit nakakainip iyon para sa akin. Dalawang araw ko siyang 'di makikita at alam kong mami-miss ko ang presensiya niya rito sa bahay at ang mga pag-aalaga niya sa akin na kinasanayan ko na. Kung ituring pa naman niya ako ay para