Papunta kami ni Krissha sa clinic ng OB-Gyne na nirekomenda ng kaibigan kong si Anton nang umagang 'to. OB ito ng asawa niya kaya naman alam kong safe si Krissha at ang baby namin sa kanya. Pagkatapos kong malaman noong isang araw na nagdadalang-tao siya. Nagpasya akong ipa-check na siya ngayon para alam ko ang gagawin kong pag-aalaga sa kanya. Mabilis lang naman natapos ang check up niya dahil wala naman gaanong ni-check sa kanya ang doktor. The doctor just asked her some questions and then she gave her some prescription. Vitamins at ilang mga gamot para sa buntis ang nakasulat sa reseta. "Nahihilo ka na naman ba, asawa ko? Gusto mo na bang umuwi na tayo para makapagpahinga ka?" I asked Krissha. I saw her massaging the side of her head. Marahil sinusumpong na naman siya ng morning sick