Papunta kami ni Krissha sa bahay ng mga magulang ko nang umagang ito. It's my father's birthday and we are invited to celebrate it with him. Alanganin na sumama si Krissha noong una ngunit napilit ko rin siya bandang huli dahil ipinaliwanag ko sa kanya na magiging mabuti na ang pakikitungo ni Mommy sa kanya simula ngayon. Halos limang buwan din na hindi nagpakita si Mommy sa amin. Bumalik kasi sila ng America at kahapon nga ay kakauwi lang nila ni Daddy dito sa Pilipinas. I talked to my Mom last night and I told her that she should talk to Krissha nicely. Sinabi ko na hindi ako pupunta kung hindi magiging mabuti ang pakikitungo ni Mommy sa asawa ko. "Baka ma-bored lang ako roon, Clark. Mabigat na ang tiyan ko at alam mong hate ng baby natin na umupo ako ng matagal," ani ni Krissha habang