Hawak ko ang aking labi habang pasimpleng nakatanaw kay Malaya na tahimik na kumakain sa isang bandang sulok na parte ng canteen. Wala siyang kasama at pansin ko na tamilmil siya sa pagkain habang nakatulala sa labas ng bintana. Kanina ko pa siya napansin nang pumasok ako rito sa canteen. Siya ang unang hinanap ng mga mata ko nang pumasok ako rito dahil ilang araw din akong umiwas sa kanya dahil sa mga kakaibang nararamdaman ko para sa kanya. Kapag hindi ko kasi tinikis ang damdamin ko para sa kanya ay alam kong makakagawa ako ng maling desisyon na labis kong pagsisisihan sa huli. Hindi pa ako handa para magpaalam sa aking propesyon once na sinunod ko ang damdamin ko. Gusto ko munang magpakasawa sa pagtuturo at makita ang achievement ng bawat estudyante ko na nakakapasa sa subject ko. Ngu