Nagsesepilyo ako ng ngipin ko nang maramdaman kong pumasok sa kinaroroonan ko si Clark. Isang simpatikong ngiti ang iginawad niya sa akin nang makikipagtitigan siya sa akin mula sa salamin. "Pwede ba akong sumabay?" tanong niya. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Siya naman ay kinuha ang kanyang toothbrush at nilagyan ito ng toothpaste, pagkatapos ay tumabi siya sa akin at nakisabay sa pagsesepilyo. Nauna akong natapos at lumabas na ng banyo. Medyo, okay na ako, himala dahil kumain lang ako ng kalamay ay naging okay na ako. Naglilihi nga talaga ako dahil naging okay na ako nang makakain ako ng kalamay. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Manang sa akin habang kumakain ako ng kalamay. "Ganyan talaga, Krissha. Kapag nakain na natin iyong gusto nating kainin ay bumubuti ang a