CHAPTER 2 (Carrie’s POV)

1026 Words
Napailing na lang si Carrie. The girl with the blue eyes mysteriously disappeared. Gusto niya pa naman sana itong pasalamatan. Sabi ng mga kasama nito sa table. Nagmamadali daw ito dahil may problema sa kumpanya nito.   So that means isa itong may ari ng malaking kumpanya o anak ng may ari.   "Someone wants to take your service Rie. Gusto mo ba?"   Mula sa pag mumuni muni. Agad na nagising ang diwa niya sa sinabi ng manager niya.   Pinaakyat siya nito sa office para lang sabihin iyon. Ilang beses na ba siyang tumanggi sa alok ng manager nila na mag serbisyo? Pang isang daan na ata ito mula ng pumasok siya.   "Mam. Hindi pa po ako desperada para gawin yan."   "I understand pero kung kailangan mo ng pera. This client is willing to pay half a million for you. Pumayag ka lang."   "I'm sorry po. But I won't do it."   Nakakunot ang noo na lumabas siya ng office nito. Kahit mahirap sila may dignidad naman siya. Isa pa hindi naman niya kailangan ang ganoong halaga. The client must have been desperate. Mukhang kailangan niya na talagang makapagtapos para hindi na siya bumalik sa bar na 'to.   "Carrie. Kamusta? Anong sabi ni manager?" Mai asked her.   Kasalukuyan silang nagbibihis para umuwi na.   Ngumiti siya dito. "Same old things. She wants me to make that other service."   "I think, hindi mo na kailangang gawin yun. Magtatapos ka na. Everything will be bright from here on."   Ngiti lang ang sinagot niya dito. Pagkatapos niyang magbihis. Nagpaalam na siya sa mga kasamahan niya saka siya nag time out para umuwi na sa kanila.   Umuwi lang naman siya para magbihis. Pupunta siya ng ospital.   -------   "Ma how are you?"   Hinaplos niya ang natutulog na mukha ng ina. Kahit naging alcoholic ito noon. Her mother amended her ways. Bumawi ito sa kanya pero medyo nahuli nga lang ang lahat. Isang araw bigla na lang itong nagcollapse.   "Miss Mendez."   Agad siyang napalingon sa nurse na dumating.   Kinabahan siya sa tono ng boses nito. "B-Bakit."   Lumapit sa kanya ang nurse." The doctor said that your mother needs a kidney transplant as soon as possible. Mag kakaroon ito ng siezure kapag hindi pa ito naoperahan. Mabuti na lang at napadalaw ka ngayon. Medyo busy kasi si Doc."   Napahilamos siya sa mukha niya. Feeling niya lumaki ang ulo niya sa sinabi ng nurse. Saan siya kukuha ng pang pa opera ng ina?   "Someone wants to take your service Rie. Gusto mo ba?"   Tila tuksong bumalik sa alaala niya ang sinabi ng manager nila sa kanya. Pero agad din siyang umiling. Kung kailangang mangutang siya gagawin niya. But who among her friends will she asked for it? Eh halos parepareho silang mahihirap?   Napapikit siya ng mariin. Bakit ngayon pa? Malapit na siyang magtapos.   Minulat niya ang mga mata at tinitigan ang ina niya. Her mother suffered in this life because she was born. Ni hindi pa niya nakitang naging masaya ito ng mga panahong magkasama sila. Palagi itong pagod noon sa pag t-trabaho. Laging busy para makapagtapos siya sa pag aaral.   Siguro ito na ang panahon para kahit papaano masuklian niya ang sakripisyo nito. She'll make sure that her mother will experience the things that life could offer.   "Miss Mendez?"   Binaling niya ang tingin sa nurse. Tipid ang ngiting binigay niya dito." Sige po. I'll let you know kung kailan ako makakakuha ng pera."   "Sana within this week Miss. Your mother will get critical, if not."   Tumango siya dito.   Ilang oras pa siyang nagtagal sa ospital bago siya umalis para manghiram ng pera sa mga kakilala niya.   But unfortunately. No one can give her the money she needed. Ayun kasi sa nurse. Mga 300 thousand ang aabutin sa operasyon ng nanay niya.   '"......This client is willing to pay half a million for you. Pumayag ka lang."   Napabuntonghininga siya. Her virginity is the only thing that can save her now. Pero napaka unfair naman para sa kanya kung half a million lang ang willing na ibayad sa kanya. Kikitain niya rin iyon kapag naging manager na siya someday. But right now, she can't do anything about her situation.   Isa na lang ang pwede niyang mapuntahan. Her uncle Glen. Pero parang ayaw niya ding mangutang ng pera dito. Hindi niya kasi tunay na kamag anak ang lalake. At mukhang pinag nanasaan pa siya nito. Iba ito kung makatingin. Kahit nga ang hahaba na ng short na sinusuot niya sa tuwing nadalaw sila noon ng ina niya dito.   Pero wala naman siyang mapag pilian. She needs to atleast try.   ------ Kumatok siya sa pintuan ng malaking bahay ng mga ito. Sinigurado niyang nakasuot siya ng desente bago humarap dito.   "Yes?"   Agad niyang narinig na tawag nito mula sa loob.   "S-Si---Carrie po ito Uncle."   "Carrie?"   Binuksan nito ng bahagya ang pintuan. Saglit itong natulala sa kanya. Bago siya pinasadahan ng tingin.   Kumabog ang dibdib niya sa kaba. May kakaiba sa kinikilos nito ngayon. Even his eyes seem unfocused.   "Sino yan Pare?" Mula sa likod nito. May sumulpot na payat na lalake. Nakahubad ito kaya kitang kita niya ang mga tatto nito sa dibdib. May sumunod pang tatlong lalake sa likod ng mga ito.   Halos pare pareho ng tabas ng pisikal na anyo. May mga tattoo at yung iba ay nakahubad sa pang itaas.   Sinilip niya saglit kung ano ang ginagawa ng mga ito sa loob. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang may syringe na tinusok ang isa sa mga ito sa braso. Pagkatapos ay parang wala sa sariling ngumiti ito sa hangin.   It's obvious that they are on drugs.   Wala sa sariling napahakbang siya paatras. "Uh...uncle uuwi na lang po siguro ako. Sa susunod na lang po."   "O san ka pupunta?"   One of the guys made a grab for her. Pero mabilis niyang iniwas ang kamay dito.   Walang lingon likod na tumakbo siya palabas ng gate ng mga ito.   "Carrie!"   Narinig niya pa ang pagtawag na iyon sa kanya ng uncle niya. But she refused to look back. Mukhang tumakbo din kasi ang iba sa mga kasama nito para habulin siya. Nakahinga lang siya ng maluwag nang makitang nasa kalsada na siya.   Nilingon niya ang mga ito. Through her panting and hazy eyes. Nakita niyang huminto ang mga ito sa paghabol sa kanya sa gate mismo ng bahay ng uncle niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD