Prologue

274 Words
TITLE: SLave of a Married Man ( R-18 ) AUTHOR: Hyorin Dey This is a work of fiction. Names, Characters, Place, Events and Incidents are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental. Some parts are mature content. ******** Prologue: Minsan hindi natin inaasahan ang mga mangyayari sa ating buhay. Ang akala nating makakasama natin hanggang sa huling hininga natin ay siya pa ang mang iiwan at sisira sa atin. Ako si Madison na baliw na baliw kay Steve, siya ang nobyo ko at ang taong hinangad kong pakasalan kahit na kapos sila sa pera at hindi siya nakakapag aral katulad ko. Ang goal namin noon sa sarili ay sabay kaming uunlad sa buhay. Ngunit may isang pangyayari ang nag udyok sa kanya para hiwalayan ako, hindi ko inasahan na mangyayari ang mga bagay na ito sa aming dalawa. Napakasakit para sa akin na makipaghiwalay sa kanya, kaya naman nagpakatanga ako para lang makasama parin siya. Mahal niya ako at mahal ko parin siya kahit na hindi na kami pwedeng magsama. Naging mali na ang relasyon namin dahil sa desisyon na ginawa niya na para rin sa pamilya niya, wala akong naitulong sa kanya kaya nakaisip siya ng desisyon na makakapagpabago sa buhay ko at buhay niya. Ang pinakamasaklap pa nito ay, kahit mali na ay ginagawa ko parin dahil mahal ko si Steve. Umaasa ako na babalik siyang muli sa akin. Umaasa akong hindi siya magbabago. Pero lahat ng pag asa ko nawala at nagtapakatanga ako ng lubusan para kay Steve, kahit na kasal na siya sa byudang si Christine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD