Chapter forty CLARK’S POV’S Tinext ko si tita Sharon para pumunta dito sa bahay kaso, iba naman ang pumasok ngayon dito, akala ko ba hahanapin niya yung asawa niya? “ Clark, mag usap nga tayo.” “ Tungkol saan?” “ Bakit pinaalis mo si Steve!” Uh oh! Nalaman na niya na nagkita kami ng bulok niyang asawa. Kailangan ko pa bang sagutin yang tanong niya? Halata naman na ayaw ko sa pinakasalan niya kaya ko siya pinaalis. “ Anak, igalang mo naman sana siya, si Steve parin ang asawa ko.” “ Paano ko igagalang yung kaedad ko, or let say na mas bata pa ata sa akin?” “ Clark! Bakit ganyan ka magsalita sa akin ha? Hindi mo na rin ba ako ginagalang?’ “ I respect you a lot mom, but that guy? Don’t expect too much to me on how I treat him.” “ Bakit hindi mo ba matanggap si Steve? Ikaw lang ang n