Chapter twenty two STEVE’S POV’S Inabot na kami ng gabi kakalakad dito sa mall, kung ano ano ang mga binibili niya pati mga gamit sa bahay. Kagaya siya ni mama kapag lumalabas kami noon at pumupuntang palengke ay mahilig siyang bumili ng mga gamit namin sa bahay. Iba talaga kapag tumatanda na. Ang dilim na dito sa labas at nag aabang kami ngayon ng bus. “ Ayoko pa umuwi.” Sabi sa akin ni Christine. “ Bakit? Gabi na.” “ Please Steve, ayoko pa, mamaya na lang please.” “ Okay sige.” Ano kayang meron? “ Punta tayong bar?” “ Ha?” “ Inom tayo? Slight lang, gusto mo ba?” Ayoko sana kaso hindi ko siya pwedeng tanggihan. “ Sige ayos lang.” May mamahaling bar dito sa tapat ng bus station, puro mayayaman ata ang pumupunta dito, at ang mga alak nila na mga mamahalin. Hindi kagaya ng bar