Chapter fifty eight MADISON’S POV’S Hindi kami nakagawa ng assignment kase natulog si Clark sa sofa, nag advance study na lang ako at hinihintay ko si Clark na magising na umuwi kaso wala. Ayoko naman siyang lapitan baka mangyakap nanaman. Kung sabagay, naadopt siguro niya yung culture sa ibang bansa, iba naman kase yung kultura dito sa bansa natin. Back to study ka na nga Madison, bakit mo ba tinititigan yung tulog. Ayaw niyang umuwi ata sa kanila, halata naman sa kanya na may problema siya dahil yung itsura niya kanina noong pumunta siya dito ay napakalungkot. Nag away kaya sila ng step dad niya? O baka naman ng mama niya? Nailapag ko yung ballpen ko dahil tinamad na ako mag aral, inihiga ko na lang yung ulo ko sa may table dito sa tapat ng sofa habang tinititigan si Clark. Ano