Chapter twenty nine STEVE’S POV’S Kasal daw? Papakasaln ko si Tin? Wala sa plano ko yun! “ Ano na Steve? Bakit hindi ka makasagot, hindi ba mahal mo siya? At Tin ikaw naman matanda ka na hindi na uso yung jowa jowa na yan, siya naman ang napili mo na makakasama mo habang buhay diba? So why not naman na magpakasal kayong dalawa?” Hindi umiimik si Christine, gusto rin ba niya magpakasal? Nako naman, hindi ko to gusto kaso nagigipit ako ngayo sa sitwasyon ko dahil dito sa lintek na best friend ni Tin. Tumingin sa akin si Christine na para bang nag aabang ng isasagot ko, isang maling sagot ko lang mawawala na ang tiwala nito sa akin. Hawak hawak ko na itong pera oh, pupunta na akong ospital mamaya at makakalabas na si mama doon at makakabili pa ako ng maintenance na gamot niya. Kaso