Chapter twelve MADISON’S POV’S Ilang araw ko ng hindi nakikita si Steve, sobrang busy ko rin dahil may test kami sa isang subject ko at ilang araw akong nagreview. Hindi ako pwedeng maglaro lang sa pag aaral ko, college na ako at hindi high school student. “ Okay dismiss!” siga wng teacher kong terror Buti pa ang iba may nakakasama ng gumala at kumain, samantalang ako? Wala pa akong nakikilala ngayon na pwede kong makaclose, paano naman kase si Steve lang palagi ang nasa isip ko at siya parati ang pinupuntahan ko after class. Habang naglalakad sa hallway ay may napansin akong tumatakbong lalake na papunta sa direksyon ko, para siyang hinahabol kaya sobrang bilis niya tumakbo. Hays, wala akong pake diyan, pwede ko ng puntahan si Steve. Bago pa ako makalabas ng building namin ay may