Chapter eight
CLARK’S POV’S
I’m bored
A little bit loner
So I decided to visit my mom.
“ Fame! You’re here!”
“ Hello tita!”
Napalingon ako, ganun parin ang itsura ng kaibigan ko, she’s still the same as before. “ Papatabain ka ni mom” pagbibiro ko sa kanya.
“ Ang dami niyo namang hinanda? Teka Clark? Kelan ka pa dumating?”
“ This morning.”
“ Namiss mo ko noh kaya ka umuwi?” My mom smiled because of what Fame said.
Iba nanaman iisipin ni mom, akala niya girlfriend ko si Fame kaya siya ngumiti, loko loko lang talaga yang babaeng yan kaya siya ganyan magsalita.
Kababata ko siya kaya welcome na welcome siya sa bahay.
“ Stupid.” Sagot ko.
“ Clark, huwag kang ganyan kay Fame.” Suway ni mama.
“ Sanay na yan.”
“ Tama siya tita, sanay na sanay na ako sa pambubully niya.”
Iniwan kami ni mama sa labas, nag iihaw kami ni Fame ngayon, akala talaga ni mama ay kami nito kaya binibigyan niya kami ng oras.
“ Hoy, bakit ka umuwi?”
“ Sinabi ng tita mo na malungkot palagi si mama.” Sagot ko, Si tita Sharon ang bestfriend ni mom and tita siya ni Fame.
Yeah, that’s the reason why, second is I’m bored.
“ Malamang naman malulungkot yan, mag isa lang siya dito.”
“ I know.”
“ Kahit punuin mo ng katulong tong bahay niyo iba parin ang may pamilya.”
“ Ayaw naman niyang sumama sa akin sa New York.”
“ Kase naman Clark, mas komportable siya dito, ayaw niyang makalimutan yung memories nila ng daddy mo kaya ayaw niyang umalis, at yung company niyo, isa na yun sa dahilan.”
Yun naman talaga rason niya, uuwi na lang ako kapag free time ko.
“ Ay teka, maglaro ulit tayo, online game, kapag natalo ka—”
“ Alam ko may kailangan ka nanamang ipabili sa akin, Am I right?”
“ Mura lang naman yun hahaha.”
“ Ayoko.”
“ Clark naman, binibigyan na nga kita ng pagkakataong manalo oh kaya nga maglalaro tayo ng online game para kapag natalo ka—”
“ No.”
“ Sige na oh.”
“ I don’t wanna.”
“ Ang damot mo, ang yaman yaman niyo eh.”
“ Kahit naman manalo ako o manalo ka, ipipilit mo parin na bilhin ko yun.”
“ Regalo mo na lang sa akin.”
“ Kelan ba birthday mo?”
“ Next year.”
“ What? Next year?”
“ Wala ka naman dito ah, iaadvance ko na please, please, baka kase maubos na yung limited edition na librong yun kailangan ko ng mabasa, ipopost ko agad sa social media.”
“ Ikaw ang bumili.”
“ Ang haba kase ng pila noong nakaraan sa counter tinamad ako.”
“ And then uutusan mo ko? What the heck? No way.”
“ Sige na please, Samahan mo na lang ako tapos ikaw pumila sa cashier.”
The hell? Papipilahin niya ako? Para lang sa isang libro? Tang ina naman nitong babaeng to ang galing mamilit talaga.
******
MADISON’S POV’S
Wala yung ibang professor namin kaya nasa mall ako ngayon, patay oras lang para mahintay ko yung susunod na subject ko, malapit lang kase yung university sa mall.
Wala pa akong gaanong friends kaya wala akong kasama dito sa mall.
Hinihintay ko rin na matawagan ako ni Steve kaso wala pa siyang text at tawag kanina pang umaga. Ano kayang nangyayari sa kanya?
Parang may kakaiba talaga sa kanya, iniisip ko na lang ay dahil sa problema niya kaya siya nagkakaganun.
Sa kakalakad ko ay nakarating ako sa bookstore, ang daming magagandang sticky notes na ang cute ng mga designs.
Naglibot libot lang ako dito para may magawa naman ako, kakatapos ko lang kumain at ayoko naman dumaan sa department store, baka maakit nanaman ako na bumili ng damit kahit hindi naman kailangan.
“ Wow! Yung favorite kong book, may book 2 na!” sigaw ko ng makita ko yung bagong labas na libro kaso iisa na lang kaya kinuha ko agad kaso.
“ Miss, ako nauna.”
“ Ako ang nauna.” Sabi ko sa matangkad na lalake na blond ang buhok, sabay kaming humawak nung libro.
“ Ibigay mo na lang sa akin please?”
“ Nag iisa na lang to, baka matagalan pa bago magkastock ulit.” Baka wala na akong extra money kapag hindi ko pa nabili to ngayon, magagastos ko tong extra money ko sa pagbili ng damit nanaman.
“ Ako naman kase nauna.”
“ Ako kaya.”
“ Ako.”
“ Ako.”
“ Akin na nga.” Hinila niya pero hindi ko binitiwan.
“ Ibigay mo na lang sa akin.” Ang hirap hilain ang lakas niya.
Nag aagawan kami dahil lang sa iisang libro? Noong una ay medyo mabait pa siya pero nung naghihilaan na kami nawawalan na siya ng galang.
“ Bitiwan mo.”
“ Ayoko nga, ikaw ang bumitiw.” Sabat ko, sa lahat ng ayaw ko yung hindi gentleman eh.
“ May pagbibigyan kase ako nito.”
Yung itsura niya parang nagsasabi ng totoo at nagmamakaawa, ano naman kaya gagawin niya dito? Ireregalo ba? Kanino? Sa kapatid niya?
Hindi ko siya inimikan at tinitigan ko lang ang mukha niya, gwapo siya oo, pero mas gwapo si Steve, itong lalaken to halatang anak mayaman kaso walang modo hindi gentleman.
“ Fine, sayo na.” hindi na siya nakipag agawan, nagtitigan lang kami gumive up na agad?
Nakokonsensya tuloy ako, limited edition kase ito eh baka mahalagang tao yung pagbibigyan niya, kaso gusto ko rin tong basahin at para na rin may collection ako.
Pero napapaisip ako, may pagbibigyan siya nito ibig sabihin may mapapasayang tao ng dahil dito sa librong to.
Hinabol ko yung lalake at sakto palabas na siya ng pinto ng bookstore, hinila ko ang kamay niya, mabuti na lang napahinto agad siya.
Pagkahila ko ay binigay ko agad yung libro sa kanya at pinatong sa kamay niya.
“ Bayaran mo na.”
Napatulala siya sa ginawa ko, hindi na ako lumingon at ako na ang naunang lumabas ng bookstore, nakokonsensya kase ako baka sobrang importante nun sa pagbibigyan niya, maghihintay na lang ako ng susunod na stock kung meron pa.
Bumalik na ako sa University at saktong pagbalik ko ay nakita ko si Steve sa labas ng gate.
“ Bakit ka nandito?”
“ Gusto kita makausap.”
“ Tungkol saan?”
“ Magdate naman tayo mamaya, libre ko.”
“ Ano ka ba, ako na lang, alam ko naman sitwasyon mo ngayon kaya—”
“ Ako na bahala, basta hihintayin kita mamaya.”
Ang ganda ng ngiti niya ngayon at ang sigla ng mukha, may nangyari kayang maganda sa kanya?
Kinikilig ako dahil inaya niya akong makipagdate, ito yung inaabangan kong mangyari, akala ko nakalimutan na niya na may girlfriend siya.
“ Papasok na ako.” Paalam ko sa kanya.
“ Hihintayin kita dito Madi!” sigaw niya habang naglalakad ako papasok.
Ang weird ni Steve ngayon, bigla bigla na lang mag aaya ng date tapos sagot pa niya? Ang laki nan ga ng problema niya financially tapos ililibre pa niya ako?
Nakahiram kaya siya sa kaibigan niya ng malaki?
Hindi ko pa natatanong kung kamusta na ang papa niya kase malapit na akong malate.
******
[ Date with Steve ]
Hindi ko akalain na simula ng naasalubong ko siya sa gate hanggang sa last subject ko ay naghihintay siya sa akin sa labas ng University.
Ilang oras din yun.
“ Saan ba tayo pupunta?”
“ May nireserve akong table sa restaurant para sa atin.”
“ Ha? Restaurant?”
“ Oo naman, para sa ating dalawa.”
Gusto ko sana itanong kung saan siya kumuha ng pera kaso baka mapahiya siya at mailang sa akin, sumunod na lang ako sa kanya kung saan yung lugar na sinasabi niya.
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant, ngayon lang kami nagdate sa ganitong lugar, sa mga fast food at kung saan saan lang kami kumakain minsan , hind isa ganito kasosyal na lugar.
Gusto ko siyang hilain para umatras na kaso derederetso siya hanggang sa may table na nakareserve.
Napalunok ako dahil baka wala kaming pambayad dito, nangangailangan ang pamilya niya ng pera pero bakit dinala pa niya ako sa lugar na ito.
“ Bakit dito tayo?”
“ Hindi pa kita nadadala sa ganitong lugar.”
“ Oo nga pero—"
“ Pinag ipunan ko yung pangbayad ko dito, huwag ka mag alala Madi.”
Nakampante na ako sa sagot niya, pinagipunan niya kaya ayos lang, akala ko kase gumawa na siya ng masama kaya siya nagkaroon ng malaking pera para pangbayad sa date namin.
“ Kamusta na pala ang papa mo at mama mo?”
“ Si mama ganun parin ang lagay, nakadepende parin ang katawan niya sa gamot, habang si papa naman ay pinag iipunan ko ng pangpyansa.”
Wala parin palang pagbabago sa sitwasyon niya pero nagawa niya akong ilibre sa ganitong restaurant?
Napakaimportante ko naman para kay Steve, napakaswerte ko talaga sa kanya.
Kumain lang kami at nagkwentuhan, wala na yung bagabag ko kanina kung saan niya nakuha yung pera niya, malamang nangutang siya sa kaibigan niya at naalala akong idate, pampawala din ng isipin niya kaya gusto niyang lumabas kasama ko.
Naglakad kami papuntang bus station para makauwi na, ang bagal naming maglakad para naman masulit namin ang isat isa, ilang araw din na hindi kami gaanong nagkikita at nagkakasama ng matagal.
“ Oh Steve, hindi ka papasok?”
“ Hi Steve.”
“ Agahan mo ah.”
May nadaanan kaming dalawang lalake at isang babae sa tapat ng isang bar, nagtataka ako dahil binati nila si Steve? Ibig sabihin kilala nila ang boyfriend ko?
Parang mga nagtatrabaho sa bar ang mga ito, naninigarilyo sila sa labas ng bar.
Hindi sila pinansin ni Steve at napansin kong mas bumilis ang paglalakad namin ngayon kesa kanina simula ng dumaan kami sa tapat ng bar.
“ Sino yung mga yun?”
“ Ah sila ba? Kilala nila ako kase nagdedeliver ako ng yelo sa bar.”
“ Ah ganun ba.”
Nakahawak lang siya sa kamay ko at ang bilis naming maglakad ngayon, ang lakas ng pakiramdam ko ngayon na hindi nagsasabi ng totoo si Steve.
Kinukutuban ako ng masama.
Iba itong pakiramdam kong ito, ewan ko ba hindi ko rin maipaliwanag.
Narinig ko kanina na tinanong siya nung isang lalake kung hindi siya papasok, tapos ang sabi naman ni Steve sa akin ay nagdedeliver siya ng yelo sa bar, parang hindi tugma kase yung mga sinasabi nila.
Bumalik tuloy yung kutob ko kanina, pinagtatagpi tagpi ko yung sitwasyon na bigla na lang siyang nag aaya sa mamahaling restaurant tapos ngayon kilala siya ng mga nagtatrabaho sa bar?
Hays, hindi naman siguro tama itong pinag iisip ko kay Steve, hindi siya ganung klaseng lalake, kahit anong mangyari hindi siya gagawa ng masama lalong lalo na sa akin, ang tagal na naming magkasama at magkarelasyon alam kong hindi niya magagawa yung naiisip ko ngayon.
“ Gusto mo bang sumama sa ospital?” aya niya sa akin.
“ Sige ba.”
Sumama ako sa ospital at ang mama niya sinalubong kami ng ngiti, nakakatuwa silang tignan na ganyan, kahit ang dami dami nilang problema ay nakangiti parin sila.
Umalis si Steve dahil bumili ng niresetang gamot para sa mama niya.
“ Madi matanong ng akita, alam mob a kung saan nagtatrabaho si Steve?”
“ Ang alam ko po nagdedeliver siya ng yelo.”
“ Ah ganun ba.”
“ Bakit po?”
“ Wala naman.” Bakit biglang natanong ng mama niya yung tungkol sa trabaho ni Steve, hinulaan ko lang yung trabaho niya dahil yun yung sinabi niya kanina, hindi rin naman ako sigurado kung yun nga kase kanina lang niya nabanggit ang tungkol doon ng hindi pa sinasadya.
Napatingin ako sa mesa na malapit sa higaan ng mama niya, ang daming mga gamot at mga pagkain ang naroon.
Si Steve kaya ang bumili ng lahat ng ito?
Ayoko naman magtanong sa mama niya baka kung ano pang isipin niya lalo may sakit siya ngayon baka mabigyan ko pa siya ng ikasstress niya.
Nagtagal lang ako ng ilang minuto dito sa ospital.
Kasama namin yung dalawang kapatid nila Steve kaya naman hinatid niya ako hanggang sa bahay.
Dalawa lang kami dito ngayon kaya pwede ko siyang tanungin ng maayos.
Pagbukas ko ng ilaw ay dumiretso ako sa sala. “ Steve anong traba—” bigla niya akong tinulak pahiga sa sofa.
“ Matagal na rin nating hindi ginagawa to.” Ang totoo niyan, wala ako sa mood makipagsex sa kanya kaso lalake siya kaya natatakot ako na baka hanapin niya sa ibang babae ang pangangailangan niya.
Hinalikan niya ako ng marahas sa leeg habang tinatanggal niya ang butones ng uniporme ko.
May biglang kumatok sa pinto kaya natulak ko siya agad.
“ Madison? Madison?” parang boses ng kapitbahay namin yun kaya binuksan ko agad yung pinto.
“ Bakit po?’
“ Ah, ibibigay ko lang sana tong handa ng anak ko nagbirthday kase siya kanina.”
Ang galing ng timing ng kapitbahay namin, hahaha, natatawa tuloy ako nabitin si Steve.