Chapter seventy one MADISON’S POV’S Maaga akong nagising mga six ata kaso paglabas ko ng kwarto wala na si Clark pero may notes sa mesa kaya kinuha ko agad. “ Pumasok ka kung ayaw mong basagin ko yung isa pang bintana mo.” Psh! Abnormal talaga. Papasok naman talaga ako dahil sa report namin, importante yun at isa pa para akong narefresh ngayon. Kung hindi siguro pumunta si Clark baka hindi ganito ang pakiramdam ko ngayon. Baka sobrang hina ko na. Hindi ako kumain ng umagahan at tanghalian kahapon pero napakain ako ng gabihan, yung gabihan ko parang pang three meals na. Huminga ako ng malalim at nag prepare na para pumasok. “ Kaya ko to.” Hindi na gaanong mugto ang mga mata ko at medyo okay na rin ang ulo ko, kahapon kase masakit at antok na antok ako. Pinabayaan ko ang sarili ko.