HARMONY POV
MAAGA akong nagising. Ngayong araw ay isa sa pinaka—mahalagang araw sa buhay ko. Mabilis akong naligo at sinuot ang damit kong simpleng beige blouse, itim na slacks, at low heels. Naglagay rin ako ng light makeup habang nakatingin ako sa square mirror ko.
Kinuha ko na rin ang folder kung nasaan ang mga requirements na hinihingi ng Montenegro Bank.
“Harmony, kaya natin ito! Matatanggap tayo rito!” kausap ko sa aking sarili.
Umalis na rin ako at nag—book na rin ako ng TNVS rider. Ayokong ma—late kasi mamayang 8AM pa ako pinapapunta roon.
Thirty minutes before the 8AM ay nakarating na rin ako sa Montenegro Bank. Napatingin ako sa harap nito na napaka—modernong gusali. Lumakad ako papasok sa loob at doon ay nakita ko ang malinis na lobby, abala ang mga empleyado sa paligid.
Nagtanong ako sa isang empleyado kung saan ako pupunta for the requirements na lang ang ipapasa.
May napansin kasi akong mga aplikanteng nakaupo sa gilid, may mga number sila. Ganoʼn ang nangyari sa akin noong nag—apply ako before my graduation.
“For the requirements ka na ba, Miss?”
Tumango ako sa kanya. “Ah, opo.” mahinang sagot ko sa kanya.
“Maupo ka na lang din dʼyan. At hintayin ang sasabihin ng HR kung sino na ang mga nasa requirements stage.”
Tinuro niya iyong mga nakapila rin.
“Um, kukuha rin po ako ng number?”
Umiling siya sa akin. “Hindi na, Miss. Hintayin mo na lang na tawagin for requirements.” Tumango—tango na lang ako sa kanyang sinabi.
Naupo na ako sa waiting area habang hinihintay na tawagin ng HR Staff. Habang nakaupo ako sa waiting area ay kinuha ko ang aking phone at nag—i—scroll muna ako para mawala ang bagot ko at maibsan ang kabang nararamdaman ko. Habang patuloy pa rin ang pag—i—scroll ko ay may biglang pumasok na chat notification sa akin.
Nangunot ang noo ko nang makita ko iyon. “Unknown user? Sino naman ʼto?” tanong ko sa aking sarili.
Kahit kinakabahan ako ay hindi na ako nagpatumpik na buksan ang message, pero kumunot ang noo ko nang may makita akong isang litrato.
Hindi lang basta photo dahil nasa larawan ay si Ethan na kasama niya si Alina.
Kumabog nang mabilis ang puso ko dahil magkatabi silang nakaupo sa isang mamahalin restaurant, base sa background na nakikita ko. Tinignan ko pa ang photo at zinoom in hanggang nakita ko ang kanilang kamay... Magkahawak.
Halos mawalan ako ng hininga dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi lang iyon dahil nanlalaki rin ang aking mga mata habang nakatitig pa rin doon.
“E—edited ba ʼto?” tanong ko muli sa aking sarili.
Bago pa ako makapag—isip, sunod—sunod na namang dumating ang mga larawan.
Isang litarto kung saan makaakbay sina Ethan and Alina, na may saya sa kanilang mga mukha.
May larawan pang tumatawa silang dalawa.
May selfie pa ang dalawa na halata ng walang ibang kasama.
At isa pang kuha kung saan magkahawak sila ng kamay habang naglalakad sa Mall.
“A—ano ito?” tanong ko sa aking sarili at dama kong namumutla na ang mukha ko.
Hindi ko sana paniniwalaan ang mga larawan na ito hanggang sa may biglang sumagi sa isip ko, ang graduation celebration namin.
Noong araw na bigla na lamang nawala sina Ethan at Alina nang halos dalawampung minuto. At nang bumalik ang dalawa... Pareho silang hinihingal.
Pareho ring magulo ang buhok
Hindi ko pinansin iyon pero ngayon... Parang unti—unting nagdudugtong ang lahat.
“Villanueva, Harmony?”
Nawala ang tingin ko sa larawan nang marinig ang boses ko. Nakita ko ang HR staff sa aking harapan.
“Wala na si Harmony Villanueva—”
Mabilis akong napatayo. “Iʼm here, Maʼam!” malakas na sabi ko sa kanya.
Agad kong itinago ang cellphone at pilit na ngumiti kahit kumakabog nang mabilis ang aking puso ngayon.
Pumasok ako sa loob ng HR staff at isa—isa kong ipinasa ang aking requirements sa kanya. Nakita kong sinuri iyon ng HR ang mga dokumento ko hanggang ngumiti siya.
“Complete naman ang requirements ninyo. Tatawagan na lang namin kayo kung kailan ang official start date ninyo, Ms. Villanueva,” nakangiting sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Okay po. Thank you po, Maʼam.”
Hindi na rin ako nagtagal sa loob ng HR office at agad na rin akong lumabas na mabigat ang pakiramdam na dapat ay masaya ako dahil tatawagan na lamang ako kung kailan ako mag—start sa company nila.
Nang makalabas ako sa bangko ay muli kong kinuha ang phone ko at chineck ang facetagram ko. Naroon pa rin ang mga larawan, hindi nawawala.
Huminga akong malalim habang nakatingin doon. “Hindi... Hindi pʼwedeng totoo ʼto,” mahinang sabi ko sa aking sarili.
Napailing ako. “No, impossible ring edited ito. Ang kailangan kong gawin ay puntahan si Alina at itanong siya about sa photos na ito,” kausap ko muli sa aking sarili.
Kaya hindi na ako nag—aksaya ng oras dahil sumakay na ako sa taxi at nagpahatid sa apartment ni Alina.
Alam kong mahal ang taxi, but kailangan ko talaga siyang puntahan, now na!
Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin ako sa apartment ni Alina. Kinakabahan kong bumaba pero ang mga paa ko ay mabilis na humakbang papunta sa second floor kung nasaan ang unit ni Alina.
Huminga muna akong malalim nang nasa harap na ako ng pinto ng kanyang unit, kakatok na sana ako roon nang may marinig akong umuungol nang malakas.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan ko.
Unti—unting nanginig ang buo kong katawan.
“Hindi...” sabi ko sa aking sarili. “Baka ibang lalaki lang ang nasa loob ng unit ni Alina.” Pagtatanggol ko pa rin sa aking sarili.
Kaya hindi na ako nakapaghintay nang kumatok sa pinto niya nang sunod—sunod.
“Alina!” malakas king tawag sa pangalan niya.
Paano naman kasi ay lalong lumalakas ang ungol mula sa labas.
Walang sumasagot sa akin kaya mas kong nilakasan ang pagkatok ko.
“Alina! Buksan mo iyong pinto!” malakas kong sabi at halos masira ko na ang pinto ng kanyang unit.
Tinatadyakan ko na rin ito dahil sa inis.
Patuloy pa rin ang pagkatok ko hanggang nakita kong gumalaw na rin ang doorknob. Doon ay nakita ko si Alina na magulo ang buhok nito at halatang kabado ang mukha niya.
“H—Harmony... B—bakit nandito ka?” nauutal niyang tanong sa akin.
Seryoso kong tinignan si Alina na mukhang hindi makapaniwala na nakikita niya ako ngayon.
“Nasaan si Ethan?” madiin na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot sa akin. Bagkus ay yumuko lamang siya kaya lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
“Alina... Tinatanong kita, nasaan si Ethan?” madiin na tanong ko at tinitigan ko siyang mabuti.
Tahimik pa rin siya at hindi nakatingin sa aking mga mata.
Hanggang may narinig akong yabag mula sa loob ng kanyang unit, kaya tinaboy ko siya. Pumasok ako sa loob ng kanyang unit hanggang may nakita aking isang lalaki na lumabas mula sa nag—iisang kʼwarto rito.
Halos tumigil ang mundo ko nang makita si Ethan na naka—suot lamang ng boxer shorts habang halatang bagong bihis mula sa loob ng kʼwarto ni Alina.
Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata ni Ethan nang makita niya ako.
“Harmony, wala rito si Ethan—”
“Wala ha?” malakas na sabi ko sa kanya.
“H—Harmony...”
Unti—unting namuo ang luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.
Hindi ko na kailangan ng paliwanag mula sa kanila. Hindi ko na kailangang itanong pa kung ano ang ginagawa ng boyfriend ko sa apartment ng best friend ko.
Dahil nasa harapan ko na ang kasagutan.
“Y—you...” Nanginginig ang boses ko habang nakatingin kay Ethan.
“Ganito ninyo ako niloloko? Kapag kaharap ninyo ko, best friend ang turing mo sa akin, Alina... At girlfriend mo naman ako, Ethan?” malakas na sabi ko sa kanila.
“Harmony, please... Let me explain,” nagmamadaling sabi ni Ethan sa akin habang lumalapit sa pʼwesto ko.
“Donʼt! Huwag kang lumapit!” sigaw ko sa kanya.
Napaatras si Ethan nang marinig niyang sumigaw ako.
Si Alina naman ang gustong lumapit sa akin. “Harmony... Hindi ito ang iniisip mo.”
Bigla akong napatawa sa kanyang sinabi. Isang mapait at masakit na tawa. “Really?” Naging sunod—sunod ng tumuloy ang luha sa mga mata ko.
“Nasa apartment kayo... Kayong dalawa lang tapos sasabihin mong hindi ito ang iniisip ko? Habang nasa labas pa lang ako ay may naririnig na akong umuungol! Gago ba kayo? Anong akala ninyo... Soundproof ang unit mo, Alina?” malakas na sabi ko sa kanya.
Tahimik silang dalawa at hindi alam ang gagawin
“Best friend kita...” Tinignan ko si Alina. Wala akong nakikitang pagsisisi sa kanyang mukha. “Tinuring kitang kapatid!” malakas na sabi ko.
Napabaling naman ako kay Ethan. “Ikaw... Ikaw ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay.” Humugot ako nang malalim na hininga habang pilit na pinipigilan ang paghikbi ko.
“Pero pareho ninyo akong ginawang tanga!”
Hindi ko alam na ang gagawin ko, sobrang sakit ng puso ko.