Athena POV...
Parang nagslowmo ang lahat di ko mapaliwanag ang nangyayari. Ganito na ba kung mamamatay ka na?
Paano na sila Lolo at Lola? Di ko na sila maaalagaan? Kailangan pa nila ako.
Pero... pero...
Napamulat ako dahil may yumakap saakin. Teka sino naman tong lalaking toh...
At nanlaki ang mga mata ko na lumilipad pala kami agad naman akong napakapit sa leeg niya.
Natatakot ako baka ihulog pa ako niya.
Di ko masyadong makita ang mukha niya kasi may araw nakakasilaw. Lumipad kami siya at lumapag siya sa lupa. Napamulat ako nasa rooftop ulit kami pero wala na yung mga guards dito na humahabol saakin.
Binubuhat padin ako ng lalaking ito. Ang lalaki ng pawis ko parang mamamatay nako sa nangyari saakin kanina.
Binaba niya ako at di ko padin nakikita ant mukha niya nakakainis ang araw ha.
"S-salamat." Sabi ko sabay yuko. Nabigla ako ng yakapin niya ako.
Nanlaki padin mata ko at bakit ako niyayakap ng isang toh. Ang amoy niya napakapamilyar nakakaaddict.
"Athena..." teka di Athena pangalan ko.
"T-teka..." tinulak ko siya kaya napahiwalay kami at naaninag ko na mukha niya. At ang gwapo niya!!!
"Hindi Athena pangalan ko." Mahirap mag assume.
"Ikaw si Athena... di pa bumabalik ang alaala mo." Sabi niya. Alaala? Alam niya siguro past ko.
Teka napansin ko na bakit topic ngayon ay Greek Gods?
"Pasensya ka kahit gwapo... i mean di agad ako nagtitiwala sa mga taong di ko kilala. Pasensya na." Sabi ko sabay bow.
Tumakbo ako pero napahinto ako.
"Salamat sa pagligtas sa buhay ko." Sabi ko at bumaba nako at dumaan ako sa likod ng building para di ako makita.
At di muna ako umuwi. Naglakad lakad ako hanggang napunta ang paa ko sa park... nanaman?
Dito nangyari yung kaguluhan kahapon. Di pa masyado maayos ang park kailangan nila itong baguhin.
Umupo ako sa gilid ng puno at nagbuntong hininga. May mga tao... di ko alam kung tao sila o hindi. Bakit ako ang kanilang nilalapitan?
Nung una yung lalaking nawala nalang bigla at yung lalaking nagligtas saakin.
Parang nakita ko na sila noon di kaya isa sila sa mga kasapi sa dati kong buhay.
Biglang lumindol kaya napatayo ako at agad tumakbo ng may humawak saakin. N-napakalaling halimaw.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ko di ako makahinga...
At bigla akong tinapon. Napakamanhid ng katawan ko.
At may dugo!
Tiningnan ko ang halimaw nasa harapan na niya ako at handa nang itama ang malaking sandata niya sa akin....
Zeus POV...
Biglang lumindol at pinuntahan namin kung saan yung lindol galing at nang makarating nako nakita ko na si Athena na nakahiga sa sahig at tinama sa kanya ng kalaban ang malaking armas nito.
"Athena!" Sigaw ko.
Napaluhod ako ng biglang bumiak ang ulo ng halimaw na kinagulat ko at nakita ko si Athena na nakatayo at hawak ang malaking Scythe nito.
"Athena..." mahinang sabi ko. Nakita naman yun ng ibang halimaw kaya agad sinugod ng halimaw si Athena at walang pawis niya itong inubos na walang awa.
At nakikita ko ang seryosong tingin nito sa mga halimaw.
At bigla nalang nawala ang malamig na mga mata nito at bago siya matumba nasalo ko siya.
"Ikaw nga ang Athena na minahal ko." Sabi ko sa kanya. At binuhat at bago ako umalis doon binalik ko ang dating ayos ng park.
At nagteleport ako papuntang mansyon ko.
"Good Afternoon Master." Bati ng mga katulong at mga butler.
"From now on... Lady na din niyo siya... She's my Girl." Sabi ko sa kanila.
"Masusunod po." Sabi nila at lumakad na sila.
At hinatid ko na siya sa kwarto ko.
"Magiging maayos ang lahat, Athena." Sabi ko bago siya hinalikan sa noo.
Athena POV...
Nagising ako at napahawak sa ulo ko. Teka anong nang....
Napatingin ako sa katawan ko may sugat ako at tinama ako sa sahig nung halimaw na yun... pero teka wala akong sugat?
Panaginip ba iyon?
Napatingin ako sa kwarto teka kanino toh? Nasan ako?
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa damit ko. Mabuti yun padin.
Nilibot ko ang paningin ko. Ang ganda ng kwarto! Bumaba ako at tiningnan ang picture sa gilid.
"Ito yung lalaking nagligtas saakin nung nahulog ako sa building at teka... bakit ako nandito?" Sabi ko at kinuha ko yung picture at tiningnan ng maayos.
"Ako nga toh!" Nakarinig ako ng tao na papalapit dito. Nagpapanik ako asan ako pupunta?!
No choice dumiretso ako sa higaan at nagtakip ng kumot.
May lumapit sa higaan at umupo siya sa gilid ng higaan at bigla niyang hinaplos ang buhok ko.
"Kagaya ng dati... ang tagal mong gumising. Ang saya ko na nandito ka na sa tabi ko. Di na kita pababayaan pa." Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.
Napamulat ako at nagulat ito nang makita ako at nanlaki din ang mata ko kasi...
Ang gwapo niya! *Q*
*Drool*
Matagal ko nang gustong magkaboyfie pwede siya? Sa limang taon akong naghanap pero puro paasa lahat pero sa kanya ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Wag masyadong tumingin saakin." Sabi niya at ngumiti. Ang gwapo niya!
Nakakita ako ng Greek God!
Nahiya naman ako grabe naman oh ang gwapo niya talaga... teka nasa heaven naba ako. Napatay ba ako ng halimaw?
"You're not dead." Sabi niya. Napataas ang isang kilay ko.
"Hindi? Bakit gumaling ang katawan ko?" Sabi ko sa kanya ang lapit ng mukha namin agad naman akong napalayo sa kanya.
"Dahil kaya mong pagalingin ang sarili mong katawan." Sabi niya. Kaya ko talaga yun?
Agad akong tumakbo palabas at hinanap ang kusina. Hahanap ako ng kutsilyo!
Nang makita ko ang kusina.
"Athena!" Sigaw niya at agad akong pumunta sa may mga kutsilyo at nagulat naman siya sa ginawa ko.
"A-anong ginagawa mo..." nakita ko ang pag alala niya sa akin.
At sinugatan ko ang pulso ko gamit ang kutsiyo. At nakita ko na dumugo ito at nakamdam ako ng sakit.
Napaupo ako sa sahig at may mga dugo na sa sahig.
Lumapit agad siya saakin at niyakap.
"Bakit mo yun ginawa?!" Bulyaw niya saakin.
Nagulat ako kasi biglang nawala ang sugat. Tama siya...
"N-nawala nga ang sugat ko." Gulat kong sabi.
"....." siya.
Nakatitig siya saakin.
"Kilala mo talaga ako?" Sabi ko sa kanya.
"Kilalang kilala." Sabi niya sabay hawak sa mukha ko at ang bilis ng heartbeat ko grabe!
Napaiwas ako ng tingin. Napatingin ako sa orasan sa taas at tumingin ako kung umaga nadin sa labas.
Nanlaki ang mata ko.
"Waaaa! Late nako!" Sigaw ko at agad akong napatayo at napahinto ako at tumingin sa kanya.
"U-una nako.... sige bye!" Sabi ko at tumakbo.
"Teka..." di ko na siya pinansin.
Lumabas nako at nanlaki ang mata ko ang laki ng bahay niya.
Aish! Basta late nako tatakbo sana ako ng nabangga ako napatingin ako sa harapan ko.
"Teka paanong... teleportation?" Gulat na sabi ko.
Bigla niya akong binuhat at bigla kaming napunta ulit sa isang kwarto. Teka ang cute ng kwartong ito combination ang pink, black and white!
Binaba niya ako sa higaan.
"Kanino tong kwarto! Ang cute!" Masayang sabi ko sabay tingin sa paligid.
"This is yours." Sabi niya at may kinakalkal sa drawer.
"Ah.. saakin.... teka.. SAAKIN?!" Napatingin ako sa paligid. Picture ko nga ang nandun!
"Wear this." Sabi niya sabay bigay saakin nung dress. Napataas ang isang kilay ko.
"Di ako nagdedress habang nagtatrabaho. Tagaluto ako you know?" Sabi ko sa kanya sabay tingin sa aparador ko. At may nakita akong maong doon at normal na tshirt.
"Kung yan ang gusto mo... saan kaba nagtatrabaho? At di mo na kailangan magtrabaho nandito naman ako." Sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Di ako pa easy lang dito noh.
"Di ko kailangan ng tulong mo. Magtatrabaho ako para sa sarili ko at pati kina lolo at lola." Sabi ko at aalis sana ng hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm sorry... saan ka ba nagtatrabaho?" Sabi niya.
"Sa Evans Company tagaluto ako doon. Sikat yata ako dahil sa mga luto ko na masasarap yun ang sabi nila pero saakin nanggagaling lang naman yun sa puso ko ang pagluluto... teka anong ginagawa mo doon sa rooftop ng kompanyang yun?" Sabi ko sa kanya.
"Ha? Nagapapahangin lang." Sabi niya.
"At paano ka nakapasok doon?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ganito kasi yun.... isa akong master guard doon." Sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sa laki ng bahay mo Master Guard ka? Weee yung totoo?" Pangungulit ko sa kanya.
"Hay... isa akong Manager doon." Sabi niya.
"Manager ka? Talaga?! Saang departemento?" Sabi ko at napabuntong hininga siya.
"Magbihis ka na nga lang. Hihintayin kita sa labas sabay tayong pumasok." Sabi niya at lumabas na siya.
Bakit ganito ako? Ang close ko atah sa kanya... sino ka ba talaga sa buhay ko Zeus.
Forward...
Nakarating na kami sa Evans Company.
Lumakad na kami at di padin ako makapaniwala na manager ang naging kaibigan ko pwede CEO nalang?
Assuming sabi nila gwapo daw ang new CEO namin. Curiousity kills the cat.
"Siguro gwapo siya." Mahinang sabi ko.
"Ano?" Napatingin ako sa gilid.
Ang lakas ng pandinig niya.
"Ha? Wala.. sige una na ako baka pagagalitan ako ni Mrs. Soo." sabi ko at nagpaalam na sa kanya at tumakbo na ako.
Nang makarating ako sa kusina. Nakatingin sila saakin.
"Bakit?"
Zeus POV...
Napabuntong hininga nalang tuloy ako. Pero feeling ko bumabalik na ang memories niya at nagsisimula yun sa mga galaw niya.
Pumasok ako sa kompanya at binati ako ng mga sekyu. As usual dinaanan ko lang sila at dumiretso sa Elevator at napaisip ako kailan kaya babalik ang memories niya?
At para maitanong ko sa kanya ang nangyari noon... bakit niya ginawa yun na alam na niya na mawawala lahat kung gagamitin niya ang Power of Destruction mabuti agad ko yung ginamitan ng Power of Creation kaya bumalik sa dati pero ang nangyari wala nang maalala ang lahat at ang mga nakalaban namin ay nawala na parang bula.
*Ting*
Agad akong lumabas ng elevator at dumiretso sa opisina ko.
"Uhmm... Mr. Evan, may bisita po kayo." Sabi ng secretary ko.
"Who?"
Sinabi na niya. Teka bakit nanaman ano nanaman kailangan niya?
Dumiretso ako sa opisina ko at nandun nga siya.
"Anong kailangan mo?" Sabi ko sa kanya.
"Mukhang mahirap makuha ang tagaluto niyo dito.... ikaw na mismo ang magpaalis sa kanya. Di ba di mo siya kailangan dito." Sabi niya. Ito nanaman ang tagaluto na sinasabi niya.... teka..
'Wag mo siyang paalisin ang sarap nung kinain natin kanina parang luto ni ....... Athena.' Sabi ni Apollo.
"I'm sorry... saan ka ba nagtatrabaho?" Sabi ko sa kanya
"Sa Evans Company tagaluto ako doon. Sikat yata ako dahil sa mga luto ko na masasarap yun ang sabi nila pero saakin nanggagaling lang naman yun sa puso ko ang pagluluto... teka anong ginagawa mo doon sa rooftop ng kompanyang yun?" Yun ang sabi niya... ibig sabihin siya yung tagaluto na gustong kunin ng matandang toh?
"Nagbago na ang isip ko... hindi ko binibigay ang mga empleyado ko." Sabi ko sa kanya.
"Oh? So di mo tutuparin ang sinabi mo kahapon... tsk tsk..." sabi niya at tumayo na.
"Kahit anong mangyari kukunin namin siya. Gagawin namin lahat para pumayag lang siya." Sabi niya at umalis na. Nakakainis....
Gagawin ko din ang lahat di lang siya mawala sa kompanyang ito!
Autumn POV...
Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ako.
"Aaaahhh!!" Sigaw nila at mukhang nakakita sila ng multo.
"Anyare sa inyo?" Sabi ko. Tinuturo nila ako.
"Nako po... ang kaluluha ni Autumn nandito!"
"Rest in Peace, Autumn!"
"Patawarin mo kami sa mga kasalanan namin!"
Napataas ang isang kilay ko anong nangyayari sa kanila?
"Anong pinagsasabi ninyo?" Sabi ko.
"Ano ba kayo! Buhay si Autumn." Napatingin kami kay Mrs. Soo.
"Po?"
"Nakaligtas siya dahil nasabit lang siya sa may puno nung tumalon siya." Sabi ni Mrs. Soo.
"Ha!" Lumapit sila at hinawakan ako at dun pa nila sinabi na buhay ako.
Tsk tsk...
Akalain ba nila akong patay.
"Ms. Autumn..." napatingin ako sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko nanaman...
"Sumama ka saamin. Kung ayaw mong pumayag sa pagmamakaawa edi sa marahas na paraan ka nalang namin gagagamitan." Sabi nito.
Nanlaki ang mata ko.
What?!!! Help me!
******
LMCD 2016