Athena POV...
Palapit na nang palapit ang araw na yun. Nakahanda na rin ang dean kung anong mangyari pero di namin sinabi sa mga estuduyante baka magpanik.
Hanggang di pa dumadating ang araw na yun iniinsayo na nila ng maigi ang mga estudyante.
At every section may isang Section A na magtuturo.
Nagbunot sila then ang nangyari....
Section A- Hades
Section B- Apollo
Section C- Poseidon
Section D- Chris (Student Of Sec A)
Section E- Jack (Student Of Section A)
Section F- Zeus
Sinasadya ba na dito siya?
'Oh my God! Siya pa talaga ang swerte natin!'
'Mas lalo akong gaganahan sa pagtretraining natin.'
'Oo nga!'
Hay nako kung alam lang nila.
Biglang pumasok si Zeus sa room namin at ayun nagsigawan ang lahat.
'Ang gwapo!'
'Hot!'
Malamig lang niya yung tiningnan mukhang may hinahanap. Nang makita niya ako mukhang nakahinga siya ng maluwag.
Anyare?
"Ehem..." natahimik ang lahat.
"Ako si Tyrone Evans ang mag tre train sa inyo.... okey let's proceed in the Training Area now." Tumayo naman sila at lumabas na at ako inayos ko muna gamit ko.
Nang makita ko si Happy na hinihintay ako.
"Umuna ka na Happy." Sabi ko napatango lang siya at umalis na.
Nang maayos ko na ang gamit ko tumayo nako ng nabigla ako kasi bumangga ang mukha ko sa matigas na pader? Teka paano nagkapader dito?
Napatingin ako sa harapan ko.
Bigla niya akong niyakap.
"U-uhmm.. Zeus? Are you alright?" Tanong ko rito. Anong nakain neto?
"Namiss lang kita." Sabi niya saakin. Nako po ang aga pa lumalandi nanaman siya.
"Ikaw ha. Tayo na nga." Sabi ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko na kinabigla ko.
"Let's go?" Sabi niya at hinila nako. Hanggang makaraying kami sa Training Area.
"Okey... let's start!" Utos niya at ayun nagline na kami.
At nag ensayo na kami. Nang matapos kaming tumakbo ng 50 round sa Training area ka kinamamatay na nang iba.
"Oh ano suko na? Wala pa tayo sa kalagitnaan !" Sabi niya. Mukhang hindi na kaya ng ilan.
Tiningnan ko si Zeus.
'Bigyan mo sila ng inspirasyon.' Sabi ko sa isipan niya.
Mukhang na gets naman niya.
At may sinabi siya sa mga utak nila na di ko man narinig.
'Kyaaa! Kayanin natin toh!'
'Ako ang mauuna!'
'Hind ako magpapahuli!'
At ayun nagpatuloy sila sa pagtakbo.
Napatingin ako kay Zeus. Ano kaya ang sinabi niya.
'Ano ang sinabi mo?' Sabi ko sa isip niya.
'Secret'
Secret pala ha.
Nagpatuloy nako sa takbo hanggnag maubos ko agad ang 50 round na hindi napapagod. At lumakad nako bahala siya dyan.
Pumunta ako sa mga nag eensayo ng mga armas.
"Anong armas mo?" Tanong nung nagtuturo saakin.
"Scythe." Sabi ko.
Mukhang nagulat naman yung nagtanong saakin.
"Iilan lang ang nagkakaroon ng ganyang armas." Gulat na sabi niya.
Ah.. i see si Xylo! Si Xylo at ako lang ang meron ng armas na iyon.
"Baka nagkataon lang." Sabi ko nalang. Mukhang sang ayon siya sa sinabi ko.
Pinapasok na niya ako sa loob. At nag ensayo nako doon di naman napansin ng ibang estudyante dahil wala pa silang alam tungkol doon at tsaka ginawa kong lvl1 ang Scythe ko para di mahalata ang itsura nito para lang siyang normal na Scythe.
5 hours na ako doon at nang matapos dumiretso ako sa canteen at kumain.
"Athe.... i mean Autumn!" Nakita ko si Liz.
"Liz." Nakangiting sabi ko.
Umupo siya sa gilid ko at mukhang pagod na pagod siya.
"Kumusta ang training mo?" Sabi ko.
"Nakakapagod! Grabe di ko kakayanin." Sabi niya.
"Alam ko na kaya mo yan. Wag mong isipin na hindi mo kaya. Okey?" Sabi ko.
"Okey. Oh bakit ikaw lang nasaan si Zeus?" Sabi niya. Napapout ako bahala siya sa buhay niya.
"Don't tell me nag away kayo?" Sabi niya.
"Tsk... bahala siya sa buhay niya. Di man lang sinabi saakin ang sinabi niya sa mga students kanina. Eh di sana may inspirasyon na din ako." Sabi ko sa kanya.
"Baka may dahilan siya." Sabi niya.
"Basta bahala siya." Nakapout kong sabi. May pasecret secret pang nalalaman.... diba walang lihiman!
Forward...
Nandito nanaman ako sa panaginip ko nakatayo at nandito din si Xylo.
"Bakit ako nandito?" Kinakabahan kong tanong.
"Nandito ka kasi.... pipili ka sa huli ng dalawang choices... mabubuhay ka pero kapalit ang buhay ng ilan pero kung itataya mo ang buhay mo may pag asang mabubuhay kayo." Sabi niya. Mamamatay?
"Wag ngayon... pag isipan mo ng maayos. Sana makapili ka ng maayos." Sabi niya.
At nagising ako. Di ako magpapaapekto sa panaginip kong yun...
Naglalakad ako at ang mga estudyante sa paligid ko nagpapahinga ng biglang may yumakap saakin at nagteleport kami at nakarating sa Rooftop. Alam ko ang amoy ng lalaking toh.
"Bakit mo ko dinala dito?" Sabi ko sa kanya. Humarap ako sa kanya nakatingin lang siya saakin.
Mukhang binabasa niya ako.
"Tsk... kung ayaw mong magsalita edi hindi." Tumalikod nako at bigla siyang magsalita.
"I love you." Sabi niya. Napahinto ako at ang bilis ng t***k ng puso ko!
"Gusto ko ako mismo harap harapan ang magsabi sayo nun... para may inspirasyon ka sa training mo." Sabi niya. Napaharap ako sa kanya at di ko alam nasa harapan ko na pala siya.
"Zeus..."
"Ang sinabi ko sa kanila ay isipin nila na poprotektahan nila ang mga kaibigan nila at pamilya nila kung sinong magiging malakas sa kanila may award silang matatanggap sa dean." Sabi niya.
Pinat niya ako sa ulo.
"Ito parate mong isipin.... sayong sayo lang ako at akin ka lang." Sabi niya. Niyakap ko agad siya.
"Sayong sayo lang ako... mahal din kita." Sabi ko sa kanya.
"I know that." Sabi niya. At humiwalay na kami ng yakap.
The Day of School Fest...
Nakaayos na lahat at ngayon ay nandito kami sa Fighting Area.
Dito kasi malalaman kung sino ang overall champion. At di ko alam kung bakit ako nasali ni Dean dito.
Nginitian lang ako ni Dean.
"Kami na ang bahala. Magbabantay kami." Sabi nila Apollo ako na kasi ang tinawag.
'Isang taga Sec? Nagpapatawa ba sila?'
'Baka masaktan lang siya sa ginagawa niya.'
Binunot na ang makakalaban ko. Napabuntong hininga ako.
"Ang makakalaban ni Ms. Autumn ay taga Sec A!" Nagulat ang ilan sa sinabi nung Host. Section A pala ang kalaban ko.
Ano kaya ang mga nagagamit ko?
Umakyat na yung kalaban ko at isa lang namang lalaki.
"Let the battle begins!" Sigaw nung host.
At mukhang komportable lang ito... minamaliit kaya ako nito?
May naisip ako. Lumapit ako sa kanya at sinuntok siya sa mukha at mahina lang naman ang pagkakasuntok ko yung normal na suntok ng tao.
"Yun lang ang suntok mo?" Sabi niya at sinuntok niya ako kaya malayo layo din ang tinumba ko.
'Ang hina talaga!'
'Masasayang lang ang energy niya.'
'Sumuko nalang siya.'
"Autumn!" Sigaw ni Zeus.
Tumayo ako at ngumiti.
Tumakbo ako at susuntukin sana siya ng nailagan niya yun at sinipa ako.
At natumba ako.
Zeus POV....
Athena...
Nakabulagta siya sa sahig. Bakit di mo ginagamit ang kapangyarihan mo?
Di kaya...
Tumayo uli siya at bored na bored na yung kalaban niya at biglang nawala ang kalaban nito at napunta sa likod niya at ginamitan ng malakas na sipa si Athena at tinirahan niya ng apoy ng ilang ulit kung saan niya sinipa si Athena.
"Athena!" Sigaw nila Apollo.
Napangiti nalang ako mukang dito na magsisimula ang totoong laban.
"Bakit ngumingiti ka lang jan? Okey lang ba sayo na magkaganyan si Athena?" Sabi ni Apollo.
"Alam kasi namin na mananalo si Athena dito." Sabi ni Poseidon. Mukhang di naman nito maintindihan.
Sasabihin na sana kung sino ang nanalo nang makakita sila ng taong lumalakad sa apoy. Tahimik ang boung lugar at di maintidihan ang mga nangyayari ngayon.
Mukhang nakompleto na niya ang gusto niya. At lumabas na siya sa apoy na walang kung anong sugat sa katawan.
At bigla itong ngumiti.
"Paanong..."
"Lets start the fight?" Sabi ni Athena at inihanda na ng kalaban nito ang sarili at pinagtitira si Athena ng fire balls.
At sinasangga lang ito gamit ng kamay niya.
"Magpalabas ka ng malakas na kapangyarihan." Sabi nito. At lumalakas na din ang kapangyarihan nito at lumipad siya papunta sa kalaban at sinuntok ito at ayun nasa baba na ng stage at comatose sa kalagayan nito.
"Ang nanalo ay si Autumn!" Nagpalakpakan ang iba mukhang loading pa sila sa nangyayari.
Bumaba si Athena at dumiretso sa pwesto ko.
"May ganun ka palang kapangyarihan? Ang galing!" Di makapaniwalang sabi ni Liz.
"Oo nga yan ang isang kasapi ng
"Ang galing mo Athena!" Sabi ni Poseidon. Ngumiti ito at tiningnan ako.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Salamat at ayos ka lang." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at biglang nag Yawn.
Inaantok ang isang toh. Kaya pala di masyadong nagsasalita.
"Inaantok ako." Sabi niya. Pumunta ako sa harapan niya at umupo.
"Sakay na." Sabi ko ganito ang ginagawa ko sa kanya noon pa man kung inaantok siya.
"Umidlip ka muna." Sabi ko sa kanya. Tumango ito at inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Antukin pala tong si Athena natin." Sabi ni Poseidon. Tumango kami.
"Hayaan muna natin siyang magpahina. Baka pagod siya sa paghahanda ng fiest dito sa school." Sabi ko rito.
Athena POV....
Nagising ako at tumingin sa orasan... haaa! 1:30 na sa hapon means... 4 hours akong tulog.
"Uhmm... Zeus." Napatingin saakin si Zeus.
"Gising ka na pala." Sabi niya. At bumaba nako sa likod niya.
"Pasensya na kung... nakatulog ako sa likod mo." Nahihiyang sabi ko.
Bigla niya akong pinat sa ulo.
"Okey lang... pwede mo kong maging higaan ano mang oras." Sabi niya saakin.
Napangiti ako at niyakap siya.
"Salamat." Sabi ko.
*BOOOGGSSSHHH!*
Napatingin kami sa may stage. Teka sino yun?....
'Kyaaaaa!' Nagpanik ang lahat ng mga estudyante. At biglang sumira lahat ng mga pinto kaya kulong kami lahat dito.
Nagsisimula na sila.
"Ilabas niyo ang Deadly Royals!" Sigaw nung lalaking naka kapa.
"Anong ginagawa mo dito, Qin." Malamig na sabi ni Dean. Lumapit ito kay dean at nagsalita.
"Nabalitaan ko na nag aaral din dito ang mga Deadly Royal... so asan na sila. Lalo na si Athena." Teka bakit ako ang hinahanap? May atraso ba ako sa kanya? Wala akong kasalanan sa kanila ha.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko.
"I'm innocent. Wala akong ginawa sa kanila. Promise." Sabi ko pa sabay taas ang isang kamay.
"At bakit mo siya hinahanap?" Sabi nung Adviser ko.
"Dahil siya ang gagawin kong reyna ng Dark Kingdom!" Sabi niya. Mahigpit na hinawakan ni Zeus ang kamay ko.
"Ayaw niyong ilabas?" Sabi nito at biglang tinapunan ng nagbabagang apoy ang gilid ng tinatayuan ng ibang students.
'Kyaaaaa!'
Dinadamay nila ang mga inosente!
Tumakbo ako at humarap sa kalaban. Mukhang sumunod din sila sa likod.
"Wag mong idamay ang mga estudyante!" Sigaw ko. Napatingin sila sa akin.
"Autumn..." Gulat na sabi ni Dean.
"At sino ka naman?" Sabi nung kalaban.
"Ako... ako ang kailangan niyo. Ako ang saktan niyo wag ang mga inosenteng estudyante dito." Sabi ko. Napamahal na ako sa school kaya di ko hahayaang may masaktan ng dahil saakin.
"So... ikaw nga si Athena." Sabi nito habang nakatingin saakin.
"Ako nga." Sabi ko.
"Kung di ako nagkakamali... Poseidon, Hades, Apollo, at Zeus at may bonus pa ang Prinsesa ng mga tao, Princess Elizabeth." Sinamaan lang namin ito ng tingin.
"Alam mo ba na magkasama sina Hera at Prince William sa kulungan sa Dark Kingdom at surprise namin dinala namin sila dito." Sabi niya. Nakita namin si Hera at ang kapatid ni Liz na walang malay sa isang kulungan.
"Ang k-kuya ko..." maiyak iyak na sabi ni Liz.
"Pakawalan mo sila!" Sigaw ko sa kanya.
"Sige pero ikaw ang kapalit." Sabi niya at nakangiti ng nakakaloko.
"No, Athena don't do this!" Sabi ni Zeus. Ngumiti lang ako at tinalikuran na siya. May nilagay akong harang para di niya ako masundan at di ko marinig ang boses niya.
"Pakawalan mo sila." Sabi ko.
"Okey." At pinakawalan na niya ang mga bihag.
Nilapitan ko agad sila.
"Okey lang kayo?" Sabi ko sa kanila at napamulat naman sila.
Nagulat naman si Hera ng makita ako.
"A-athena..." sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Ngumiti ako at tumango.
"Hera... tumakas na kayo dito." Sabi ko nagulat naman sila sa sinabi ko at mukhang alam na niya ang gagawin ko.
"Don't do this!" Sabi niya.
Tumayo ako at nagsalita.
"Wag kayong mag alala... paki sabi sa kanila na mahal ko sila." Sabi ko at lumakad na papunta sa kalaban at nakita ko silang umiiyak. Sorry Guys... i need to do this...
"I love you." Sabi ko kay Zeus napailing sila at humarap na ako sa kalaban. At nakangiti lang ito.
At ginantihan ko siya ng ngiti. Ito ang sinabi sa akin sa panaginip na kailangan kong magsakripisyo alang alang sa ilang buhay na nandito sa mundo ng mga tao.
"Goodbye." Sabi ko. At itinaas ang kamay ko.
"Power of destruction."
"N-no! NO!!!!"
Goodbye guys!
Lahat ay mamamatay... lahat ay masisira at babalik din ito sa dati di ko alam kung kelan...
*****
LMCD