WARNING: EXPLICIT CONTENT CONTAINING UNWANTED S*X "Heto ang damit na isusuot mo, okay? Kailangang gusgusin mo ang bawat singit ng katawan mo kasi may mga customer tayo na maseselan, alam mo na, kahit isang hibla ng buhok, ayaw nilang makakita," ani Precious. Tiningnan ko iyong bra at panty na nakapatong sa kama. Ang nipis ng tela no'ng hawakan ko ito. "At nga pala, heto 'yung cellphone na hinihiram mo. Sa iyo na iyan, luma naman na iyan tapos di na rin ginagamit," dugtong pa nito. Kahit papaano, nabuhay-buhayan ako ng loob nang iabot niya sa akin ang cellphone. Matagal ko nang gustong tawagan sina Toto para malaman kung kumusta na sila at para na rin maipaliwanag ko sa kanila ang nangyayari. Mabuti na lang talaga at memorize ko naman ang number nito kasi sabi ko kung sakaling dumati