CHAPTER 20: PASKONG WALA KA

1875 Words

DISYEMBRE 24. Masayang nag-aawitan ang mga batang humahabol sa pangangaroling. Ang lahat ay abala sa pagluluto, pag-aayos at pakikipagkamustahan sa mga kamag-anak nilang ngayon lang nila ulit nakita. "Ma iyong hamon natin?" "Mamaya na iyan Alfred, ha? Hindi pa alas dose." Maligayang-maligaya ang pamilya ni Nora sapagkat napakarami niyang nalutong panghanda ngayong gabi. Ikaw ba naman makakuha ng malaking halaga mula sa ibang tao? Talagang magagastos mo ang lahat sa maiksing panahon dahil hindi mo naman iyon pinaghirapan. Habang iyong pamilya ni Cassandra, tama na ang isang pakete ng pancit bihon at tigbenteng slice bread para sa kanilang handa mamayang hating gabi. Ganoon man ang lapag nila sa sahig dahil wala naman silang lamesang mapaglalagyan ng pagkain, tunay ang kaligayahan sa kani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD