ISANDAANG piso sa loob ng siyam na oras na pangangalakal. Pagod na ang mga binti ni Toto. Uhaw at kanina pa nagrereklamo ang kaniyang sikmura dahil sa tindi ng gutom. Maswerte siya't hindi siya hinimatay kanina lalo na't wala siyang pananggalang sa init. Malungkot man, mabilis din iyong napawi noong salubungin siya ng dalawa niyang kapatid. "Kuya tingnan mo ang dami kong stars! Very good ako kanina!" pagmamayabang ni Pampam. "Ako rin kuya!" usal din ni Jekjek na hindi nagpatalo sa kapatid. Kapwa nila ipinagmayabang ang stamp sa kanilang mga braso habang naglalakad pauwii sa kanilang bahay. "Very good talaga kayong dalawa. Paniguradong matutuwa si ate kapag nalaman niya ang tungkol dyan," wika ni Toto. "Oo nga. Gusto ko ngang makausap si ate eh. Pwede ba natin siyang makausap ngayon kuya