CHAPTER 10: DI INAASAHANG UNOS

1665 Words

CASSANDRA Malalim na ang gabi, sa wakas natapos na rin ang trabaho kong pagpapasaya sa mga kaibigan ni Senyorita. Kasalukuyan kong hinuhugasan sa malinis na tubig ang sugat na natamo ko mula sa paso ng tsaang sinadyang itapon sa akin ni Senyorita. Hindi lang iyon dahil tinupad din ni Daniel iyong pangako niyang sampung wasiwas ng latigo. Naiintindihan ko naman kung bakit niya kailangang gawin iyon. Baka bukas ay hanapin ni Senyorita ang sugat. Kapag pinagtakpan ako ni Daniel ay mas lalo siyang mapahamak. Nagpasalamat pa rin ako sa kaniya dahil dalawang beses niya akong iniligtas ngayong araw. Binigyan niya rin ako ng ointment para sa sugat. "Ohhh, ikaw iyong bagong salta?" Nagulat ako noong bigla na lang may pumasok na babae sa silid. Marahil siya iyong sinasabi ni manang Chabita na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD