CHLOE "Tumawag po kanina ang nanay niyo at gusto niya raw po kayong makausap ngayong araw," sabi sa akin ni manang. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakasuot pa rin siya ng unipormeng pangkatulong kahit na pinapaalis ko na sila ngayong araw. Sabi ko sa kanila, kapag hindi namin nahanap si Cassandra kagabi ay lumayas na silang lahat sa bahay dahil wala na akong pambayad sa kanila. Ang pera na lang na natitira sa bangko ko ay hindi na aabot ng isangdaang libo. Nakakalungkot mang sabihin pero kailangan kong magtipid from now on for the first time in my life. "Okay, anong oras ba niya ako pinapapunta? At bakit nakabihis ka panang ganiyan? Hindi ka na sumabay sa iba pang katulong na lumayas?" sunod-sunod kong tanong. "Sinabi ko na sa iyo, Senyorita. Hindi kita