Steph’s POV Anong meron?Bakit ganito?Bakit parang ang daming nag bago sa mundo?Anong nangyari kay Coleen?! "Coleen!ano ba?umayos ka nga!ano bang nangyayari sayo?" sasapakin ko tong babaeng to pag hindi nag tino ehh "bakit? Ano bang mali?nag aaral lang naman ako para sa long quiz natin mamaya ah?" nakangiti pa sya nyan ah! yung ngiti nya dati..yung ngiting kahit may masamang balita na hindi parin nawawala..pero iba yung ngayon..may kakaiba sa aura nya "ang sinasabi ko bakit ka nakangiti!!!"mahinang sigaw ko na sa kanya..nasa library kasi kami baka palabasin ako "alangan namang umiyak ako habang nag aaral..syempre kelangan masaya ka at nag eenjoy para maraming pumasok sa utak mo.."tapos ngumiti ulit sya ng sobrang ganda. kung ibang tao "AMAZING" ang papasok sa utak ko pero hindi eh!