Coleen's POV Naka-upo kami ngayon sa bench at pareho kaming tahimik at sya nakatingin ng direcho ako naman nakayuko. Hanggang sa hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Napatingin naman agad sa akin si Vincent at lumapit ng kaunti. "ba--bakit ka umiiyak?sinaktan ka ba ni Vincent?" alalang alala nyang tanong. umiling na lang ako "may nang-away ba sayo?sino?sabihin mo sa akin!” umiling ulit pero medyo natawa na ako. Narinig ko syang bumuntong hininga. Tumayo sya at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "bakit?sabihin mo sakin..." malambing nyang tanong sa akin. Kinuha ko ang isang kamay ko at pinunasan ko lang yung luha ko pero tuloy tuloy parin yung pag tulo nila. "kasi...kasi masaya ako...malungkot..naiinis ako sa sarili ko..nakakahiya ako!!" sabi ko ng n