Chapter 4

1364 Words
Coleen’s POV   Pag gising ko palang ng umaga, parang ayaw ko ng pumasok. Makikita ko na naman ulit ang pag mumukha ni Vince. Kahapon lang sya pumasok pero ayoko na agad syang Makita eh Paano ba naman kasi kung ano-ano na lang yung sinasabi nya tapos yung mga pinagsasabi nya pa ang hirap intindihin. Ginagawa nya kung anong gusto nya at sya lang ang nakaka-intindi sa sarili nya. Pag pasok ko sa classroom, konti pa lang yung mga tao pero nandoon na rin si Vince. Napapikit ako ng mariin. Mukhang maaga akong sasabak sa laban ah. Pero ang aga nya naman para sa isang bad boy. Wala ba silang rule book na dapat laging late? Pero at least stick sya sa pag tulog lagi ah. Naglakad na ako,umupo ako sa upuan ko ng hindi nag iingay,baka kasi magising sya,at magsalita na naman ng kung ano-ano. Hindi ako umimik at tahimik na nag hintay sa pag dating ni James.  “COLEEN!” napangiti ako ng marinig ko ang angelic voice ng aking my loves. Ako talaga ang una nyang hinahanap pag dating sa school. Wag naman ganyan James, masyadong halata ang feelings mo sa akin hehe. “Goodmorning James!” naka ngiti kong bati. An gaga aga ng lambingan natin loves ah!  “aga mo ata” tanong nya sa akin. “maaga kasi akong nagising eh,kaysa naman mag stay sa bahay umalis na lang ako” “ah..buti na lang di ako tumuloy sa inyo..”hinimas nya ang batok nya pag kasabi noon.   Parang nag ring sa utak ko ang sinabi nya.“ah..buti na lang di ako tumuloy sa inyo..” Anong ibig sabihin noon? SUSUNDUIN NYA KO?  “Ha?” tanong ko. “buti na lang di ako tumuloy sa inyo, susunduin sana kita eh” nakangiting saad ni James. Kinagat ko ang labi ko at nginitian sya. Pinag salikop ko ang dalawa kong kamay para pigilan ang sarili kong sampal-sampalin ang sarili ko BOBA! TONTA! BOBA ka talaga Coleen! Bakit sa dinami-dami ng ara na magigising ka ng maaga ay ngayon pa? “Ah haha, buti na nga lang. Next time nalang siguro?” pilit kong sagip sa lumubog kong saya. Sayang naman yung opportunity na yun!!! “Oo naman! SIge dun na ako sa upuan ko” naka ngiti akong tumango at kumaway sa kanya. Hanggang sa maka upo sya ay naka tingin ako sa kanya.  “sayang ba?” agad nawala ang ngiti ko sa narinig kong boses. Hinarap ko sya. “ Gising ka na pala?” walang emosyon kong tanong  “Nagising ako sa lakas ng pagkabasag ng puso mo” umirap ako sa sagot nya. “nag sasayang ka lang ng oras” Pinanlakihan ko sya ng mata. Kita mo naman ang isang ito. Pagkakagising mang buburyo agad.  “ At namang gusto mong iparating??”-me “ Na hindi dapat sya pang hinayangan” nag kibig balikat sya. “Anong hindi? Naririnig mo ba ang sarili mo? Ang gwapo kaya nya, matalino, magaling sumaway at mabait! Sobrang bait! Para syang anghel na ipinadala ng langin!” mahina pero may riin kong sagot sa kanya. Inirapan nya ako. Attitude sis is back.  “ Mas magaling naman ako dun” “mas magaling si james sayo..” “Paano kung matalo ko sya anung gagawin mo?” “Wala,kasi di naman sya matatalo”Malaki ang tiwala ko kay james no !tsaka sya ang pinakamagaling!! “let’s see about that” pagbabanta naman ni Vince bago sya muling humiga sa upuan at matutulog ata ulit. May pa lets see lets see pa itong nalalaman. As if matatalo nya naman si James. Baka marealize nyang hindi sya straight pag nakita nya ang heavenly body rolls ng my loves ko.   Hanggang mag simula ang klase ay masama ang tingin ko sa katabi kong puro nalang tulog. Dumating na ang arts subject. At nasa Dance studio kami ngayon. At different kinds of dance ang topic namin…siguradong puro dance showdown lang ang ipapagawa samin ng teacher namin dahil mahilig syang sumayaw..at ako??wala tambay naman at tutunganga lang dahil di naman ako biniyayaan ng talent dyan.. “So…ano bang gusto nyong gawin natin??”- ani ng aming arts prof “kayo pong bahala sir!!” “oh sige, ah…Josh…Josh ang name mo diba?”sabay turo nya kay Vince Tinitigan lang sya ni vince. “since transfer ka, gusto ko sanang Makita kung may talent ka sa pag sayaw para malaman ko kung pede kang isali sa dance crew ng school,like james,dahil sa arts class kaya sya napasali sa dance crew..” “kyaaa!!!excited na akong makitang sumayaw si josh!!siguro mas cool syang tignan!!” “ako din!!for sure super gwapo nya while dancing!” Pero si vince parang walang narinig, nakatingin lang sya kay sir… “sige na,gusto mo bang matulad kay cohleen??” Anak ng!!!ako na naman?!?!?!?!talagang paborito ako nito eh.. “sir,sabihin mo sa kanya kung bakit dapat syang sumayaw sa pamamagitan ni cohleen!!” Abah!!walang hiyang classmate ito,patay ka talaga sakin mamaya… “gusto mo bang matulad kay cohleen na lagi na lang nakatunganga pag arts class kasi,di pinakita ang totoong talent----“ “sir tama na yan,sumayaw ka na kasi dun!” reklamo ko. Ako na naman kasi ang pag didiskitahan nitong teacher na ito eh. Pag ako naging valedictorian hindi ka talaga kasama sa speech ko. Hindi nag salita si Vince pero pero tumayo sya at pumunta si vince sa gitna. “James tumayo ka din “ nag cheer ang mga ka-klase ko dahil si James ang captain ng dance troupe. May tinawag pa syang isa pa na kaklase naming miyembro rin ng dance troupe. Pinulong sila ni Sir at may pinanood sa phone nito. Mukhang sasabayan ata nila si Vince at pinapanood sa kanya ang choreo. Wow naman ganoon sya ka talented? Isang tingin lang walang practice? Anyway at least sasayaw si James. Mapapanood ko na naman sya.  “woooo!!!masaya toh!!!” Hinintay namin silang mag practice sa gilid habang kami dito ay nag dadaldalan lang. “Excited na akong makita si Vince na sumayaw!” “Ako din! Sa gwapo nyang iyon tapos magaling sa sumayaw? Ay perfect na!” “Eh paano kung hindi marunong sumayaw?” singit ko sa kanila? “Okay lang yun! Mabubuhay naman tayong hindi marunong sumayaw! Ikaw nga oh!” nag tawanan sila, nag kunyari nalang akong sumimangot. Makalipas ang halos 30 minutes naming paghihintay sa kanila ay ready na daw sila. Pumuwesto sila, si James ang nasa ginta at nasa magkabilang gilid naman si Vince at ang isa pang dancer. Pinatugtog ng prof namin ang Love Shot kaya nag si tilian ang mga girls. Well kahit hindi ako gaanong fan, alam ko pa rin ang love shot, ganoon iyon ka sikat at ka hot! Excited na akong tumitig kay James sa pag sayaw ngunit na tapos ang buong kanta ng na kay Vince ang mga mata ko. He wasn’t a great dancer like James. Feeling ko hindi sya maalam nung mga tricks or technical sides ng pag sasayaw pero magaling pa rin sya. Idagdag mo pa ang gwapo nyang itsura at aura. Kahit sa likod mo sya ilagay, sya pa din ang hahanapin ng mga mata mo. Mayroon talaga syang ganoong aura. Halos lagutan ako ng hininga lalo noong nag chorus na. It’s like watching Kai feeling himself all over again. Pati ang maiingay kong kaklase ay alam kong kay Vince naka tingin. Kung ito pa ay Kompetisyon, maawa ako sa susunod na grupo. Ganoon kalakas ang hatak ni Vince.  “Oh my god! Pwede palang ganoon ka gwapo habang sumasayaw?” umpisa ng mga kaklase ko habang nag papalakpakan. “Sayang naiwan ko ang phone ko! Na videohan ko man lang sana “ Shock din ako pag katapos ng sayaw. Nasa gitna si James at nasa harapan ko pero hinid man lang bumaling ang mga mata ko sa kanya! Patawad my loves! Nag kasala ang mga mata ko pero ang puso ko ay mananatiling sa iyo!  “Wow! I can’t believe na may transfer tayong magaling tulad mo Vince! I am formally inviting you to join the dance troupe—“ “No thanks” mabilis na sagot ni Vince habang umiinom ng tubig galing dispenser. “ Ahh. . “ mukhang hindi ineexpect iyon ng aming prof “ Bakit naman? Sayang ang talent mo?” “I’m busy.” “Ah, hindi mo naman kailangan laging um-attend ng practice, kapag may importanteng kompetisyon lang. “ “Still a no from me—“ “I’ll give you anything. Anything you want basta within my means” tawad pa ng prof namin. Palibhasa mayaman, kahit ata manghingi ka ng Iphone 12 pro ay ibibigay nya makuha nya lang na member si Vince.   Ito kasing prof namin ay masyadong competitive sa mga dance competition. Last year ay 1st time nyang matalo at hindi sya papayag ngayong taon. Napa tingin sa kanya si Vince kaya nabuhayan ng loo bang prof. “Anything you say?” nakikita ko na ang ngiting nag lalaro sa labi nya. “Anything!” “Alright “ payag nya, agad namang nag diwang si sir.  “ I want her. Give her to me “ ani vince.   Sabay turo sa akin. Wow.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD