CHAPTER 16

740 Words
“LOLO, NAKITA nyo si Neiji?”  Naabutan niya sa mga kuwadra ng kabayo ang lolo niya.  Pero ang mga tauhan lang nila roon ang kasama nito. “Nangabayo siya sandali.  Pinasamahan ko na lang siya sa isa sa mga tauhan natin dahil hindi gaanong maganda ang likod ko ngayon.  Alam mo na, rayuma.  Gusto raw kasi niyang makita muna ang buong hacienda bago umalis.” “Aalis na siya?” “May natanggap yata siyang tawag kanina sa isa sa mga kliyente niya sa Maynila.  Kinakailangan na raw niyang bumalik doon.” Palihim niyang itinago sa likuran niya ang dalang sandwich.  “Aalis na pala siya…” “Pabalik na rin siguro sila.  Hintayin mo na lang dito kung gusto mo.” “Hindi na.  Babalik na lang ako sa bahay, ‘Lo.” “Winry.”  Nilingon niya ito.  “Si Neiji talaga ang pumitas ng mga bulaklak na iyon.” “Bulaklak?”  Ang mga rosas na iwinagayway nito sa mukha niya nang araw na muntik na siya nitong halikan sa may gate?  “Bakit?” “Ano pa ba ang dahilan?  Siyempre gusto ka niyang ligawan.”  Patuloy ito sa paggu-grooming sa paborito nitong kabayo.  “You should pay more attention to his actions, apo.  Don’t just rely on his words.” Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang paniwalaan ang mga sinabi nito.  Ayaw na niyang umasa.  Kaya lang, hindi rin naman niya mapigilan ang sarili.  Umasa pa rin ang puso niya. Pabalik na nga siya ng kanilang bahay nang makasalubong si Neiji.  Her heart skipped a beat as he came closer, riding his grandfather’s magnificent black stallion.  He looked so regal with that horse.  And I was just so inlove with him. “Hi,” bati nito paglapit. “Hi.” “Sir, mauuna na ho ako sa inyo sa kuwadra,” wika ng tauhan nilang sumama rito. “Sige, salamat, Martel.”  Bumaba ito ng kabayo pag-alis ng tauhan nila.  “Malawak pala talaga itong lupain ninyo.  Ang daming puwedeng gawin.” Negosyo na naman ang nasa isip nito.  Wala na ba talaga itong ibang nasa isip kundi iyon?   “Babalik ka na raw ng Maynila.” “I have to.  Ilang araw na akong hindi nagpapakita sa opisina ko.  Nagbabanta na raw mag-walkout ang mga empleyado ko.” “Gagawin talaga nila iyon?” “Hindi.  Nami-miss lang siguro nila ako.  anyway, kailangan ko na rin naman talagang bumalik dahil marami akong naiwang trabaho roon na—“  Ibinigay niya rito ang sandwich. “Sa iyo na ibibigay ni Lolo ang bid para sa lupaing ito.” Kunot-noo nitong tiningnan ang ibinigay niyang sandwich.  “Talaga?” “Oo, congrats.  Huwag mong masyadong pag-isipan iyang tinapay.  Walang lason iyan.” “Gayuma?” “Hindi naman gagana sa iyo iyon.” Ngumiti lang ito.  “You’re right.  Hindi mo na nga ako kailangang gayumahin.” Bakit?  Dahil wala ka namang nararamdaman para sa akin?  Ang sama mo!  Ni hindi ka man lang naging discreet, pakunsuwelo dahil nasasaktan na ako. “Ikaw, Winry, kailan ang balik mo sa Maynila?” “Ewan ko.  Baka manatili pa ako rito ng mga ilang araw.  O ilang linggo, kapag tinamad akong umuwi.” “That long?” “Bakit ba?” “I’ll ask you out.”  Natameme siya.  Ask me out?  Nagkibit balikat lang ito.  “For old time’s sake.” Aaahh! sigaw niya sa isip.  Lumabas kang mag-isa mo!  “I’ll let you know kapag nasa Manila na ako—“ Tumunog na naman ang istorbong cellphone nito.  Sa gigil niya ay kinuha niya iyon at itinapon sa paanan ng kabayo.  Pagkatapos ay hinapit niya ang batok nito at mariin itong hinalikan sa mga labi. “Ingat sa biyahe,” bulong niya rito matapos itong halikan.  Dumiretso na siya sa bahay nang hindi na hinihintay pa ang magiging reaksyon nito. Malungkot talaga.  Pero at least, may isang bagay siyang natutunan.  Kahit kailan ay hindi puwedeng maging huli na ang magmahal.  Hindi man maging maganda ang kahinatnan niyon. Hindi siya dumiretso ng bahay.  Kinuha niya ang isa sa mga sasakyan ng kanyang lolo na ginagamit sa pag-i-inspeksyon sa mga taniman.  Wiping away the tears that had fallen from her eyes, she sped away from the man she would never ever forget.  Abutin man iyon ng forty thousand years. “’Bye, Neiji.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD