bc

Tulay met you

book_age18+
2.3K
FOLLOW
36.1K
READ
comedy
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Lahat na yata, ginawa ni Rhea upang makahabol sa huling biyahe niya. Natatakot kasi siyang mag-isa sa buhay, ngunit huli na niya bago naisip ito. Sa edad niya kasing trenta ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. At sariwa pa sa lumpia ang perlas ng silanganan niya.

Nagtataka pa siya kung bakit hindi niya mahanap ang kakalampag sa bahay-bata niya. Lahat na nga ng dating site ay pinasok na niya ngunit kahit isa sa mga naka-meet niya, hindi man lang pumasa sa kanyang panlasa. Pero nang makita niya si Sky ay pakiramdam niya ay biglang nagtalunan ang egg cells at tumambling ang uterus niya sa galak.

Sa kagustuhan nyang mapalapit sa binata ay nakipagkasundo siya sa kaibigan ni Sky na si Alfred.

Tutulungan s'ya nito ngunit may kapalit. Kahit pa labag sa loob n'ya dahil sa unang kita n'ya pa lang sa binata gusto na ni Rhea na burahin ito sa mundo. Dahil sa pagiging babaero nito at manloloko. Walang araw na hindi sila nagbangayan dahil sa pagkakaiba nilang dalawa na kalaunan nakasanayan na rin nila. Saan nga aabot ang pagiging aso't pusa nilang dalawa?

Si Sky nga ba ang lalaking para sa kanya o ang tulay na si Alfred na abot langit ang inis n'ya?

chap-preview
Free preview
Dating site
"Kelan ka mag-aasawa? Ang tanda mo na! Hoy maiiwan ka na sa byahe! Aba, Rhea magsasara na 'yan!" May mga asawa na ang mga kaedad mo, ikaw na lang ang wala! Wala ka na sa kalendaryo! Paulit-ulit na salita na naririnig ko sa tuwing family reunion namin. Nasasaktan din naman ako ng bery bery light. Anong gagawin ko, tatalon, sisigaw ang pangalan mo! Oh bakit mo kinanta? Kaya kung minsan ayaw ko lang dumalo. Kung hindi lang ako papagalitan ni Lola Dorina at susugurin sa condo ko. Kahit matanda na ako takot pa rin ako sa baston ni Lola. Malakas pa si Lola at ayon pa sa kanya kayang-kaya n'ya pa raw tumakbo at umakyat sa puno na nakatumba! S'ya nga pala ang halos nagpalaki sa amin ni Ate Thea ko. Simula nang iwan kami ni Mom. Lalo na ng mawala si Dad. Kung wala si Lola Dorina, wala rin kami ngayon ni Ate. Kaya mahal na mahal ko s'ya. Patay na si Dad nagkasakit kasi s'ya. At si Mom wala na akong balita sa kanya mula noong iwan n'ya kami. Anyway highway wala naman akong pakialam. Dalawa lang kaming magkapatid may asawa na si Ate at dalawang anak. Madalang lang kaming magkita na magkapatid yearly lang kasi sila kung umuwi dito sa Pinas. Sa Italy kasi s'ya nakatira kasama ang asawa at mga cute nyang anak. Kaya si Lola Dorina ang batas sa buhay ko at kapag sinabi nyang pumunta ako sa reunion dapat masunod 'yon! Para sa kanya mahalaga ang family reunion na kumpleto kami habang buhay pa raw ang iba. Syempre hindi naman pwede pagpatay na sa isip isip ko pa. At si Lola rin pala ang nagpalayas sa akin sa bahay para raw matuto ako sa buhay. Kaya naman tahimik akong namumuhay sa condo ko. At saka para malapit sa trabaho ko. Isa akong modelo ng isang clothing company. Kung wala si Lola dito naku talaga, malabo pa sa tubig kanal akong pupunta! Buo na ang desisyon ko hinding-hindi na ako pupunta talaga next year. Dahil sa nagiging tampulan lang nila ako ng tukso katulad ngayon. Kung anu-ano ang tawag nila sa akin. Ang sarap nilang lunurin sa kumunoy na hanggang bewang ko ang lalim! Ano bang magagawa ko kung ayaw akong panain ni kupido. Baka naligaw pa s'ya o wala talagang para sa akin. Grabe naman kasi sila pag trenta anyos ba matandang dalaga na agad? Hindi ba pwedeng career woman lang ganern? Or busy sa pagiging single life. O masaya lang mag-isa. Dapat ba pag trenta may asawa at anak na. Taon-taon na lang kasi ako lang ang walang kasamang boyfriend. O kaya asawa na agad raw para tapos na. Bakit naman kasi ang bilis ng matres nilang magbunga? May fertilizer ba ang mga tarugo ng asawa nila? Taon-taon naman kasi nadadagdagan ang mga pamangkin sa mga pinsan ko. At isa kay Ate Thea. Kaya madalas na lang akong magtago sa mga sulok ng bahay ni Lola. Pinaka awkward moment kapag ang pa-games ay pang mag-partner. Kahit gusto kong sumali dahil ang premyo isang taong supply ng bigas! O saan ka pa? Sorry yayamanin ang Lola Dorina ko! Pero hindi ako pwede kasi single ako. Hindi ko alam kung may sumpa ba sa buhay pag-ibig ko.At hinding-hindi ako makatisod sa daan ng lalaking pinapangarap ko. Kagaya sa mga movie. Nahulog ang libro instant lovelife! Madulas lang may instant lovelife! Ayaw ko na sa earth talaga! "Bakit nakasimangot ang supermodel kong kapatid? Mukhang pasan mo ang pitong dragon balls. At saka maawa ka sa hotdog na 'yan putla na, mukhang hindi na masarap sa paningin ko, parang tarugo na walang buhay," puna n'ya nang maupo s'ya sa tabi ko. Kaya naman tinignan ko pa s'ya ng masama. Isa syang nurse, pero kapag nagsalita na s'ya, parang tambay sa kabilang eskinita namin. In other words wala syang manners and right conduct. "Hays, Ate pangit ba ako? Kapalit palit ba ako...? Then why are you here?" biro ko pa. Kaya naman nakatanggap ako ng mahinang batok sa mula sa kanya. "Aray naman! Masakit, pero mas masakit ang wala akong jowa!" umikot pa ang mga mata ko. "Dyan ka magaling sa kalokohan mo." "Baka sa next life sa kama na ako magaling, Ate!" bulalas ko pa. Kaya naman muli akong nakatanggap ng batok sa kanya. "Wag mong isipin ang mga sinasabi ng relatives natin. Dahil for me kusang darating ang lalaking bubungkal sa lupain mong tuyo at walang buhay. Malay mo after 20yrs dumating na!" natatawa n'ya pang wika. "Ate, I'm 31 next year. Pero hanggang ngayon sa lovelife pa rin ng iba ako kinikilig! Hindi naman ako pangit! May trabaho at sexy din naman ako at-" "Hindi nga lang marunong magluto at maglaba!" dugtong n'ya pa sa sasabihin ko. "May washing machine na ako, Ate. May air fryer na rin! Oh sino ka doon? Yayamanin diba?" tanong ko pa. "Kawawa rin naman maging jowa mo, kung sakaling ikaw ang makatuluyan n'ya. Bukod sa maingay kang matulog, nagsasalita ka rin!" pang- iinsulto pa ni Ate Thea sa akin. "Ate, kapatid mo ako, si Rhea 'to."Turo ko pa sa sarili." Grabe rin ang support mo damang-dama ko hanggang apdo!" eksaherada ko pang sambit. "Pero seryoso kapatid, wala ka bang natipuhan man lang sa mga co-models mo?" "Wala as in! Kung hindi tarugo ang gusto, sex lang ang habol sa'yo. Kaya ekis silang lahat!" "Sigurado ka bang lalaki ang hanap mo? Hindi kaya iba ang bet mo? Pwede kang umamin sa akin hindi kita huhusgahan so, ano ka?" makahulugan n'ya pang tanong. Namilog pa ang mga mata ko, dahil sa sinabi ni Ate sa akin. Aba at nagdududa pa talaga sa pooh key ko! Sayang ang lapad nito! Mahihiya ang lapad ng Japan! "Ate, anong klaseng tanong naman 'yan? Seryoso ka ba? Kakakain mo ng pizza at pasta 'yan sa Italy 'yan ang effect sa'yo!" Iiling-iling ko pang sambit. "Bakit malay ko ba kung nagbago ka na. Nagtataka na kasi ako sa'yo wala ka man lang mahanap na jowa dyan sa tabi-tabi," nakangising saad n'ya pa. "Over my ovary na fresh pa kay Marie! At Mas mabango pa sa Del, Surf, at downy! Magdadasal na lang ako, para ibigay ni Lord! Ang lalaking may mahabang…pag-unawa at matabang…puso!" pilyo ko pang sabi at sinabayan ko ng malakas na tawa. "Hayaan mo mamayang gabi, magpapatirik ako sa nakatayong kandila ng Kuya mo!" natatawa pang sabi ni Ate Thea. Minsan talaga kulang sa aruga ang Ate ko. At sobra sa libido! "Go away manyak!" taboy ko pa sa kanya. Habang tinutulak ko s'ya. Masyadong mapanakit sana all na lang may titirik na kandila. Kaya naman tawang-tawa s'ya. At hinalikan pa ako sa magkabilang pisngi. "Namiss kita bunso," seryoso na nyang sabi. At niyakap ako ng mahigpit. Kahit malayo si Ate s'ya pa rin ang bestfriend at superhero ko. Gumanti rin naman ako ng yakap sa kanya. Namiss ko rin ang bonding naming dalawa. Kaya okay na rin ang nasimulan na family reunion namin yearly. At least nakikita ko si Ate. Lumaki kaming close ni Ate. Kaya naman nang mag-asawa s'ya, sobra akong nalungkot talaga. As in crying lady with walling sa labas ng bintana ng condo ko! Kalaunan nakasanayan ko na rin naman. At saka narito pa naman si Lola Dorina. Na wala nang ginawa kundi ireto ako sa kung kanino- kaninong tarugo! Like naging bugaw na ang Lola ko. Minsan ako na ang nahihiya sa mga taga tanim ng palay sa bukid n'ya. "Matagal na ulit tayo bago magkita, kaya sulitin na nating dalawa," sabi pa ni Ate. "Kaya nga Ate, mag-isa na naman ako dito," maktol ko pa. "Ayaw mo ba talaga sumunod sa Italy?" tanong n'ya nang kumalas s'ya ng yakap. "Dito ko gusto Ate. Pero salamat sa alok mo pero dito ang puso ko. Ayaw kong iwan si Dad," saad ko pa. "Ikaw ang bahala. Pero dapat next year may good news ka na sa akin. At saka anong balita pala sa kaibigan ng Kuya mo, na naka-date mo?" usisa n'ya. Saka sumipsip ng buko juice na paborito n'ya. "Si, Francis? No way! Mahangin pa sa tornado ng America! At sa sandstorm ng gitnang silangan!" reklamo ko pa. Kaya naman bumunghalit pa ng tawa si Ate Thea. Hindi ko talaga maiwasan hindi mainis, sa tuwing naaalala ko ang lalaking 'yon. Well, gwapo naman s'ya, pero walang sinabi ang hanging amihan isama mo pa ang habagat! Akala ko nga liliparin ako pauwi, dahil sa sobrang hambog n'ya. "Sabihin mo kay Kuya, block na n'ya 'yon! Hindi 'yon tao, buhay na hangin 'yon!" bulalas ko pa. "Ang sakit na ng tiyan ko sa'yo! Grabe ka naman manlait!" natatawa n'ya pang turan. "Pass na ako pag kaibigan ni Kuya Nick, maawa ka sa akin!" "Sisteret, dating site kaya? Malay mo naman isa na sa mga lalaki 'don, ang magtatanim sa'yo ng binhi," pangungumbinsi pa ni Ate. Pero why not coconut water, oil, and milk! Sige para sa oplan araro sa aking lupain na malapit nang maging kagubatan. Nagkatinginan pa kami ni Ate at nag-apir. Dating site is now shaking!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook