Chapter 18 "Ate Steph, aalis ka na po?" napalingon ako sa co-officer ko na si Kris. Kakarating lang n’ya kani-kanina dito sa office at medyo busy yata s’ya sa ginagawa kaya hindi na sana ako magpapaalam, napansin pala nyang lalabas ako. "Ahh oo. Magla-lunch sana. Ikaw? Kumain ka na ba?" "Opo." "Ganun ba? O sige, una na ako sayo ha?" "Sige po ate." ngumiti s’ya sa akin at ako din naman sa kanya at tuluyan na akong lumabas. Dumiretso ako sa foodcourt at saglit na kumain bago bumili ng bottled water. Lumalakad na ako sa hallway para sa class ko nang makasalubong ko si Garett. Lutang na lutang yung itsura n’ya kaya napakunot ang noo ko. Ano kayang nangyari dito? Tutal may 10 minutes pa naman ako, tinawag ko muna sya. "Garett!" tawag ko pero di yata ako narin