Chapter 8

1661 Words

Chapter 8   Thursday na naman at ibig sabihin lang non ay kaklase ko na naman ang kapreng ‘yon. Parang tinatamad tuloy akong pumasok pero magtataka naman si mama kapag di ako tumuloy. Kaya kahit na nga walang gana, maaga pa rin akong gumayak at baka mamaya n'yan ay kung ano na naman mangyari.   Mahirap na.   Hindi kasi malabong mahulog ako sa hagdan o kaya naman ay masagasaan ng mason kapag nakaka-engkwentro ko ang lalaking yon. Saka maalala ko lang, hindi nga pala ako pwedeng umabsent dahil may report ako ngayon. Kagabi lang tumawag sa akin yung isa sa mga kaklase ko at sinabihan nga ako, s’ya na rin ang nagbigay sa akin ng topic kaya naman nagpuyat pa ako para lang matapos ang presentation ko.   Nang makarating ako sa classroom ay hinanda ko na yung projector at laptop na gagamit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD