Chapter 12 Nang matapos ang misa, agad-agad akong lumakad palabas ng simbahan. Pero hindi pa man ako nakakalayo ng gate ay may humawak na naman sa braso ko. At nang tingnan ko kung sino yun, hindi nga ako nagkamali, ang kumag-talipandas na naman. "Not so fast, sweetie." He said at muntik ko nang maiumang ang mga kamay ko kung hindi ko lang naalala na nasa harap pa rin kami ng simbahan. Inalis ko agad ang pagkakahawak n’ya at saka nagsalita ng madiin. "We're not close so don’t you dare touch me.” Pinamulsa niya ang dalawa niyang kamay saka seryoso akong tiningnan. "Oh yeah? We're not close but you had the guts to stare at me." He said as if rubbing it on my face that I was indeed staring at him. Nabwisit ako lalo nang ngumisi sya. Nabubwisit ako kung bakit ang ganda ng n