Chapter 46 DESIRE posted a photo with a caption, at the moment or atm. Iyon ay kanyang bagong profile picture. Naghihintay pa naman kasi sila ng pagkain ni Midnight sa The Garden. This was soon after he was done with his work. Niyaya siya nito na kumain muna sila para raw sulit naman ang halos tatlong oras na byahe back and forth, at hindi raw nauwi lang sa walang humpay niyang pagtulog. Hindi naman siya tumanggi roon dahil gutom na rin siya. At sa totoo lang ay gumaan ang pakiramdam niya na kasama ito. Hindi niya halos maalala na may ikinasasama siya rito ng loob. Mahirap lang talagang ipaliwanag pero ang buong sistema niya ay nagmamahal pa rin dito sa lalaking ito, pero sa kabila noon, iba pa rin ang totoong pagpapatawad. At kung bakit naniniwala siya sa sinasabi nito kanina habang pap