Chapter 31 DESIRE was smiling ear to ear when she saw Mason at the gate. Inihatid na ng doktor ang kanyang sasakyan kaya naman sinalubong niya nang makita niya kaagad sa bintana. "How are you, beautiful?" He asked her with a smile and a smooch. "I'm quite good, Doc. Kakuwi mo pa lang ba?" "Yes. Sinadya ko talagang magpaumaga dahil alam ko tulog ka pa kapag 5:00 AM." She smiled. Gising na siya kapag ganoong oras nitong mga nakaraan. Pero ngayon, hindi na siya ginising ng maaga para maghanda ng pagkain ni Midnight. Tapos na ang kanyang pagpi-feeling ulirang asawa. He doesn't deserve to be treated as her king because he doesn't treat her like a queen. Queen of fool, yes. Sensitive na kung sensitive at mahilig mag-self pity pero 'yon naman talaga ang totoo. "Thanks for bringing her home.