Chapter 19 HALOS matapon ang laman ng kutsara ni Desire nang bigla na naman siyang sikuhin ni Devi. Walang humpay sa pagsiko sa kanya ang kaibigan niya, kanina sa seremonyas ng kasal nina Gian at Abby. They're inside the reception hall with their relatives and friends. Apparently, kabilang doon ang mga kaibigan ni Abby na saksi sa pagpapalayas ng Daddy niya kay Midnight noong gabi na ito ay mag-propose. "Bakit ba?" Tanong niya sa kaibigan na nakanguso sa kapatid niya. "Kanina pa kasi sulyap nang sulyap ang Ate mo sa ex niya. Sigurado ka ba na naka-move on na siya? Malagkit ang tingin, besh." Tumingin siya at hindi naman nakatingin si Abegail kay Midnight. At sa totoo lang, hindi naman lang si Abby ang tumitingin sa totoo lang, kung totoo man. Ang mga pinsan nilang babae ay titig na ti