Chapter 38 PARANG binugbog si Desire nang siya ay makauwi sa bahay. De numero ang kanyang hakbang, at tawa nang tawa si Devi habang ka-video call niya. It's past ten in the evening. She still went home. Ayaw niyang maglagi sa tabi ni Midnight, at ang plano talaga ay umalis din siya pagkatapos niyang magawa ang gusto. She left him while he was still asleep. Kuntento ang damuhong lalaki. Nasarapan siguro nang husto. "I will not do it anymore, Devs. Baka bumitaw sa bahay bata ang anak ko," aniya nang dahan-dahan na maupo sa kama. "Bakit, marahas ba?" "Marahas. Pinilit kong lagpasan dahil sa plano natin," anaman niya. She slowly removed her sandals. Agad siyang humilata, nakatingin sa camera ng smartphone niyang nasa ibabaw ng bedside table. "Pak na pak ang hickeys," anitong tawa pa rin