Chapter 49.1 "WILL you at least lend me an ear? Kahit kaunti lang?" Mahinang tanong ni Midnight sa dalagang mukhang tuluyan na siyang tinatanggalan ng pagkakataon na makalapit pa sa buhay nito. Kanina ay litong-lito na siya nang makita niyang blocked na siya ni Desire. Kung lito siya noon kay Abegail, mas lito siya kanina sa kung anong gagawin para pakinggan siya ni Desire. Ang akala kasi nito ay namumuro na siya sa kasalanan kahit na ang totoo ay wala naman siyang ginagawa talaga. Ang hirap. Markado na kasi siya kaya kahit nagsasabi siya ng totoo ay mas pinaniniwalaan nito ang mga taong naninira sa kanya. Inihanda niya ang smartphone saka ipinag-play ang kopya na kuha sa EVR room. Desire looked at it. "May ipis," umpisa niya, "That's the reason why she landed on my lap. If it was inte