Chapter 25 3rd Person's POV; 'L-Lake ummm..' Nanginginig ang binata habang hawak ang phone nito na ngayon ay durog- durog na at may bahid na dugo matapos itong durugin ng binata dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak. Nakatitig lang siya sa video habang paulit ulit na nagpaplay ang ungol ng dalaga sa video kasama ang kakambal. 'L-Lake.' "Aaaaah!" Sigaw ng binata matapos tabigin ang laptop at magkadurog durog yun dahil sa pagtama nito sa pader. "Hayop ka Lake!" Sigaw ng binata matapos sabunutan ang sarili at galit na galit na pinagbabato lahat ng makita niya. "Hayop ka!" Sigaw ng binata bago sinuntok ang glasswall ng sariling opisina na parang nasisiraan na ng bait. "Pagbabayaran niyo lahat ng ito!" Sigaw ng binata habang umiiyak at namumulang pinagwawasak at dinudurog ang mga bagay