Chapter 23 3rd Person's POV Hindi nagtagal sina Ragen sa Wingrey. Kasama sina Victor at Quiran tumungo sila sa labas ng kontinente kung saan nga iyong lugar na pinaghihinalaan ni Lazaro na nandoon ang isa sa apat na santo. "Kailangan na natin mag-ingat mula dito. Maraming mga mababangis na halimaw ngayon ang nagsilipana sa bahaging ito," ani ni Victor. Nilingon ni Ragen si Victor. "Halimaw?" ulit ni Ragen. Sinabi ni Victor maraming mababangis na halimaw sa labas ng emperyo. "Iyom ang dahilan bakit may protection barrier ang bawat kaharian," ani ni Victor. Naalala ni Ragen na sa mga panahon na iyon hindi pa din natatapos ang digmaan ng mga halimaw at tao. "Ang tao at halimaw para sa akin wala silang pinagkakaiba. Mga sakim, iniisip lang ang sarili nila at mapanira," ani ni Lazaro.

