Chapter 28 3rd Person's POV Sinabi ng bata na noong nagkita si Ragen at ang parents niya nandoon sila. Hindi lang si Ragen nakilala ng bata kanina dahil may takip ang mukha nito at isang mata. "Hindi mo kailangan maging formal. Para na din kita pamangkin noh. Anyway, sino ang mga humahabol sa iyo kanina?" tanong ni Ragen. Ayaw niya isipin na nasangkot ito sa isang g**o dahil masyado pa itong bata. Mga nasa 6 years old pa lang ito. Pinatuyo ng bata ang damit niya. Natuyo na din ang damit ni Ragen dahil sa kapangyarihan ng ahas. "What? Hindi ba masyado ka pang bata para humawak ng ganoong mission?" tanong ni Ragen. Tinuro ng bata ang sarili. "Ako? Bata?" ulit ng batang lalaki. Sa isang iglap nabalutan ito ng itim na kapangyarihan. Bumungad sa kaniya ang isang gwapong binata na kamu

