Chapter 37 3rd Person's POV "Nakita namin ito sa lalagyan niya," ani ng kawal. Nagulat ang lalaki matapos makitang isang bag ng magic stone ang pinakita ng mga kawal. "Hindi iyan totoo! Isa lang—" Napatigil ang lalaki matapos mapako ang tingin niya sa empress na nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya. "Panginoon Racine?" Nakaluhod na lalapit ang lalaki nang harangan siya ng emperor at masamang tinitigan ang lalaki. "Kasama niyo na si Lufei? Mabuti naman ligtas kayo panginoon!" ani ng lalaki. Unti-unti tumulo ang luha nito habang nakatingin sa dalawa. "Sino ka? Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?" tanong ni Lazaro. Kilala ng lalaking iyon si Racine ngunit kilala ni Ragen bilang Scott ang lalaking kasalukuyang nakaluhod sa harapan nila. "Ako— ako iyong mountain fairy. Iyong

