Chapter 13 3rd Person's POV Nakahiga si Ragen sa kama. Pinagpapawisan si Ragen habang gusot ng mukha. Bumubulong ito na huwag. Nakikita ni Ragen ang sarili na lumulutang. Nasa isa siyang madilim na lugar. May humahawak sa iba't ibang parte ng katawan niya takot na takot si Ragen matapos maalala iyong gabi na patungo sila sa temple. Nakakita siya ng apat na pares na mata at mga ngisi. "Ragen." Naimulat ni Ragen ang mga mata at napabangon. Nanginginig ang katawan ni Ragen at hindi siya makaiyak. Gabi-gabi napapanaginipan niya iyon. "Nanaginip ka na naman ba?" Napatigil si Ragen. Napaangat siya ng tingin. Nakita ni Ragen si Lazaro na ngayon ay hawak siya sa pisngi. Agad siya niyakap ni Ragen at sinabing takot na takot siya. Niyakap pabalik ni Lazaro si Ragen. Nagkulay pula ang mga

