EPILOGUE 3rd Person's POV "Hating gabi na. Ano pang ginagawa mo dito Lucien? Lucas." Napatigil si Lucien at lumingon. Nakita niya ang emperor tapos si Lucas nakatayo sa likuran niya. Hawak ni Lucien ang laruang hindi niya sinasadya masira. "Nakasira ulit ako ng toys. Pinapakita ko kay papa baka sakaling bumangon siya tapos pagalitan niya ako," ani ni Lucien at nakayukong pinakita ang laruan na hawak. Binaba niya iyon at binitawan. Nagsalita si Lucien. "Ngunit na-realize ko. Kahit ilang laruan pa wasakin at sirain ko hindi na babangon si papa," ani ni Lucien. Unti-unti tumulo ang luha niya. Naglakad palapit si Lazaro at niyakap ang dalawang prinsipe. "Patawarin niyo ako. Masyado akong naging makasarili at hindi ko naisip na hindi lang ako ang nawalan," ani ni Lazaro. Niyakap niya

