Chapter 47 3rd Person's POV "Umalis na muna tayo dito. Tiyaka ko sa iyo sasabihin. Hindi ka nila pwede makuha either makita hangga't hindi ka pa nagiging emperor," ani ni Victor. Hinila niya si Rafael at sinundan si Caius na dumaan sa backdoor. Labasan iyon patungo sa gubat at dadalhin sila ng daan na iyon patungo sa boundary na nasa side ng heavenjade. Narinig nila na nagkakagulo na doon kaya mas binilisan ni Victor ang paglalakad habang hila-hila si Rafael. Noong makalayo sila sa tore binitawan ni Victor si Rafael at tinungkod ang isang kamay sa puno na nasa gilid niya habang nakatalikod kay Rafael. "Kahit maiuwi kita sa palasyo hindi ka pwede manatili doon. Alam na ng holy continent kung nasaan ka," ani ni Victor. Kumunot ang noo ni Rafael at tinanong kung anong nangyayari. Luming

