Chapter 40 3rd Person's POV Nagkagulo ang buong palasyo matapos mawasak ang palasyo ng emperor at ang opisina nito. "Lucien!" sigaw ni Ragen. Pinotrektahan ng maraming kawal ang empress at si Lucas. Nasa ere ngayon si Lucien. Itim na itim ang mga mata at nababalutan ng malakas na pwersa. "Lucien! Anak!" sigaw ni Ragen. Matapos masuot ang bracelate nawala sa sarili si Lucien. "Ha? This lowly humans," ani Lucien. Nag-iba ang boses ng batang lalaki. Nanlaki ang mata ni Ragen matapos may mga pwersang humila sa mga espada ng mga kawal. "Anong klaseng mga laruan ito. Papatayin niyo ako gamit ito?" tanong ni Lucien. Nawasak lahat ng iyon. "Lucien." Dumating si Lazaro. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Lucien na nasa ere. Lumingon si Lucien— tumawa ang bata. "Ang ama ko—

