Chapter 39 3rd Person's POV Pinakita ni Ragen iyong mga damit na binili ni Lazaro sa kaniya. Sinukat niya ang mga iyon. "Ang tagal na din noong last na nakasuot ako ng mga damit pang-mortal," sagot ni Ragen. Napatigil si Ragen matapos may ma-realize. Tiningnan ni Ragen si Lazaro na ngayon ay umiinom ng kape na hindi naman siya pinansin. Hindi siya pinansin? Napataas ng kilay si Ragen. Binilhan siya ng damit, sinukat niya pero hindi siya tinitingnan ni Lazaro. Bakit ngayon niya lang napansin na hindi siya tinitingnan ni Lazaro. Lumapit si Ragen. Humarang sa bintana at umupo sa harapan ni Lazaro. Napatigil si Lazaro. "Alam mo ba masyado ka ng rude. Bakit parang lagi kang naga-act na hindi ako nakikita? Panget ba ako?" tanong ni Ragen. Nakatungkod ang dalawang kamay ni Ragen sa magk

