Chapter 43 3rd Person's POv "Si lola ang pinakamatanda sa village namin. Noong limang taon pa lang ako lagi akong kinukwentuhan ni lola about sa limang taong tagapagligtas. Ang lima at unang emperor ng limang emperyo. Lagi sinasabi ni lola na isa siya sa limang iyon. Isa siya sa limang tagapagligtas noong unang buhay niya." "Walang naniniwala sa kaniya at iniisip ng lahat nababaliw siya. Lagi niyang sinasabi na ang katapusan ng mundo ay ang pagkawala ng mga guardian. Lalamunin ng kadiliman ang buong mundo at lahat ng tao mawawala. Lagi siyang pumupunta sa napakataas na bundok na iyon kung nasaan ang talon. Nagdadasal at pinangangalagaan iyon." "Sinabi ng lola ko na hindi dapat masira ang talon. Hindi dapat magising ang diyos. Mamatay ang lahat ng tao," ani ni Jiraya. Tinanong ni Ragen

